^

PM Sports

Lumakas ang tsansa ng BaliPure

Pang-masa

MANILA, Philippines - Lalong pinalakas ng BaliPure ang kanilang pag-asa matapos pumirma ulit ng kontrata ang balik-import na sa Jaroensri Bualee ng Thailand para sa kampanya ng Purest Water Defenders sa Premier Volleyball League Reinforced Conference na mag-uumpisa na bukas sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Si Bualee ang may pinakamaraming nakuhang individual awards sa liga na dating Shakey’s V-League. Kabilang sa kanyang 13 awards ay  anim na best scorer awards at dalawang conference at Finals MVP.

Ang ibang import ng Purest Water Defenders ay ang Amerikanong si Jinnefer Keddy, dating naglalaro sa Cal Poly sa US kaya umaasa si coach Roger Go-rayeb na malayo ang mararating ng koponan sa opening conference ng liga na sinusuportahan ng Mikasa at Asics at inorganisa ng Sports Vision.

Susuportahan naman sina Keddy at Bualee nina NCAA three-time MVP Grethcel Soltones, NU players na sina Jorelle Singh, Risa Sato, Jasmine Nabor  at Aiko Urdas, sabi ni Gorayeb.

Makakaharap ng BaliPure ang Philippine Air Force sa opening ng liga ngayong Linggo.

Ang Army naman ay haharap sa Instituto Estetico Manila sa alas-10 ng umaga sa men’s competition. - FCagape

 

vuukle comment

BALIPURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with