^

Bansa

OFW department tiniyak

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

 MANILA, Philippines - Ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga overseas Filipino workers sa Bahrain na magkakaroon na ng Department of OFWs.

 Ayon sa Pangulo, ilang buwan na lamang ang ipaghihintay ng mga OFWs para magkaroon sila ng sariling departamento sa gobyerno.

 “Oo nga pala, ang Overseas, meron na ka­yong in a few months, you will have a Department on OFW only,” anang Pa­ngulo.

 Sinabi pa ng Pa­ngulo na maaring maging online na lamang ang pagha­hanap ng trabaho ng mga OFWs kapag nagkaroon na ng Department of OFW.

“You can use the online. At kayo doon kung gusto maghanap ng trabaho, you just direct kung ano ang, at ilista na ninyo diyan at mamili kayo, then you apply online,” ani Duterte.

Mahalaga aniya na hindi na dumaan sa mga employment na hao-siao ang mga nais magkaroon ng trabaho.

Maging ang mga opis­yal aniya ng Bahrain ay nagnanais tumulong sa mga OFWs at hiniling pa ng Pangulo na iwasan ang mga fly by night employment na sumisingil ng mataas kapalit ang trabaho.

Muli ring tiniyak ng Pangulo na pag-uwi ng mga OFWs sa bansa ay hindi na dadaan sa inspeksiyon ang kanilang mga bagahe.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with