^

Pang Movies

Kris parang gumagawa lang ng istorya

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May mga nagtatanong sa akin tungkol kay Renan Morales, ang mhin na pinasisikat ni Kris Aquino sa mga emote nito.

Wala akong masasabi tungkol kay Renan dahil hindi pa kami nagkikita.

Ang nanay ni Renan, ang businesswoman na si Rhodora Morales aka Mama Doray ang nakilala ko at nagkuwento tungkol sa kanyang anak.

Hindi ko naman puwedeng i-share ang mga sinabi ni Mama Doray dahil personal na kuwentuhan ‘yon.

Basta ang alam ko, mahal na mahal ni Mama Doray si Renan at proud siya sa achievements ng anak niya. Kung gaano ka-proud si Mama Doray kay Kris Aquino, ganoon din ang pagmamalaki niya kay Renan kaya nakakagulat na iba ang pagkakakilala sa kanila ni Kris. Masakit sa tenga ang sinabi ni Kris na ginamit lamang siya ng mag-ina dahil hindi ito totoo.

Bong sinorpresa ng Totoy… si Lani

Bukas pa, April 13, ang 49th birthday ni Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla pero marami na ang bumabati sa kanya ng maligayang kaarawan.

Pumatak kasi ng Maundy Thursday ang birthday ni Lani kaya nag-celebrate na siya sa piling consti­tuents niya noong Holy Monday.

Ang music video ng Totoy Biboy ang surprise birthday gift ni Bong Revilla, Jr. sa kanyang forever young wife.

Mula nang makulong si Bong sa PNP Custodial Center, hindi na nagbabakasyon sa ibang lugar tuwing Holy Week ang pamilya niya dahil nagsasama-sama na lamang sila.

Kahit busy si Lani sa mga obligasyon niya bilang ina ng Bacoor City, hindi siya nawawalan ng panahon na dalawin si Bong sa detention cell nito.

Relasyon nina benjamin at julie anne unreal?!

Ngayon ang huling araw sa telebisyon ng Pinulot Ka Lang sa Lupa ng GMA 7.

Mababawasan na ang mga araw ng regular na pagkikita nina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose dahil goodbye TV na ang kanilang afternoon drama series sa GMA 7.

Nakapagtataka na kahit vocal si Benjamin sa pagsasabi na mahal niya si Julie Anne, marami ang ayaw maniwala na for real ang rumored love affair nila. May mga bitchy comment na kapag nagbabu na ang Pinulot Ka Lang sa Lupa, tapos na rin ang na­tsitsismis na relasyon nina Benjamin at Julie Anne.

Lj hindi nabakante sa hapon

Magwawakas man ang Pinulot Ka Lang sa Lupa, mapapanood pa rin si LJ sa afternoon prime ng GMA 7 dahil kasali siya sa cast ng D’Originals na magsisimula sa darating na Lunes, April 17.

Original wife ang role ni LJ sa D’Originals at si Mike Herras ang gumaganap na asawa niya. Ka­patid ni LJ sa bagong afternoon soap ng Kapuso Network ang former Willing Willie dancer na si Lovely Abella.

Magkakaroon ng relasyon ang mga karakter nina Mark at Lovely sa D’Originals na pagsisimulan ng malaking problema sa buhay ni LJ.

AKTREs na bida sa serye nakakasawa ang akting!

May sawa factor ang aktres na bida sa isang tele­serye. Nasilip ko ang programa na pinagbibidahan ng aktres at sa true lang, hindi nakakatuwa ang ac­ting niya.

Knows ko na ngayon ang dahilan kaya hindi na masyadong tinatangkilik ng fans ang teleserye dahil boring panoorin ang aktres na marami pa na dapat patunayan sa pag-arte.

 

vuukle comment

RENAN MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with