^

PSN Showbiz

Hunk actor na dating tambay na nasobrahan ng yabang, diet na sa raket!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May kuneksiyon pa rin sa Semana Santa ang kuwentong ito tungkol sa isang hunk actor. Dating patambay-tambay lang sa kanilang lugar ang male personality, kilalang-kilala siya du’n, palagi kasi siyang laman ng kalye.

Pero kinasihan ng magandang kapalaran ang binata, nadiskubre siya at nabigyan ng magandang pagkakataong makilala ng isang network, hindi man siya sikat na sikat ay nagkaroon siya ng espasyo ng kanyang istasyon para makapareha ng mga sikat na aktres.

Mula nu’n ay hindi na halos siya umuuwi sa lugar kung saan siya lumaki, napapanood na lang siya sa TV at pelikula ng kanilang mga kapitbahay, sabik na rin siyang makasama ng mga kaibigan niyang palaging nakatambay lang sa kanto.

“Isang araw, e, bigla siyang umuwi, sakay siya ng isang magarang kotse, akala mo ay contestant siya sa grand prix sa bilis niyang magpatakbo! Humaharurot talaga ang karu ng male personality!

“E, nu’ng umuwi siya, may basketball tournament sa place nila, maraming-maraming tao sa plaza, kaya naglingunan silang lahat sa nagpapaharurot ng sasakyan!

“Pagbaba ni ____(pangalan ng male personality), naka-shades pa siya, malaking-malaki na ang bulto ng katawan niya, super-macho! Hunk na hunk ang dating patambay-tambay lang sa kanto!

“Pagkakita sa kanya ng mga tagaroon, e, natural lang na i-welcome siya, ‘di ba? Aba, ang male personality, sumakay uli sa bongga niyang car, saka nagpaharurot na naman!

“Inis na inis sa kanya ang mga nandu’n, yumabang na raw si tambay, lumiit na raw yata nang husto ang mga mata niya, kaya hindi niya nakita kung gaano ka-excited ang mga kapitbahay at kababata niya nu’ng makita siya.

“Kunsabagay, may kaangasan naman talaga ang male personality na ‘yun. Super-English nga siya kung sumagot sa interview, ‘di ba? Naloloka sa kanya ang mga kasamahan niyang artista dahil English speaking na siya!

“Pero nasaan na ba siya ngayon, may mga raket ba naman siya? Parang hindi na siya gaanong napapanood ngayon, nadiyeta siya sa project!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kris kulang sa utang na loob?!

Ang inaasahan ng mga kababayan natin ay magiging bonggang-bongga ang rating ng pagbabalik-TV ni Kris Aquino, matagal kasi siyang na-miss ng manonood, kaya kahit sa ngalan ng curiosity kung ano ang mga bago niyang ihahandog ay mataas na rating ang magiging kakambal nu’n.

Pero hindi nagtagumpay si Kris. Kinabog pa siya ni Vice Ganda na hindi naman nakikipagkumpetensiya sa kanyang unang sultada, hindi naganap ang inaasahan ng marami, siguro raw ay panahon na para mamahinga pa nang mahaba-habang panahon ang aktres-TV host para ma-miss siya nang husto ng mga kababayan natin.

At hindi naging maganda ang reaksiyon ng marami sa pagbibitiw niya ng mga hindi kagandahang salita tungkol sa kanyang prodyuser na si Mrs. Rhodora Morales at sa anak nitong si Konsehal Renan.

Use-me-in-a-sentence raw ang tamang paglalarawan sa ginawa nito sa kanya. Nag-press release rin daw ang pamilya na super-yaman ang mga ito pero delayed namang magbayad ng talent fee niya at ng kanyang staff.

Nu’ng pumutok ang balitang may mamumuhunan para sa pagbabalik-TV ni Kris ay pinag-usapan na naming magkakaibigan na hindi magiging maganda ang pagtatapos ng samahan ni Kris at ng kanyang prodyuser.

Siguradong may masasabi si Kris na hindi magiging maganda ang dating sa prodyuser. At heto na nga. Sinabi pa niya na nag-aambisyon palang maging vice-governor ng Nueva Ecija ang car racer na konsehal.

Meron mang mga pagkukulang si Mrs. Morales na bagong salta lang sa mundo ng showbiz ay pinalampas na lang sana ‘yun ni Kris dahil bali-baligtarin man ang mundo ngayon ay ito lang ang negosyanteng namuhunan para sa programa niya.

Nakikipagbungguang-siko siya sa mga bilyonaryo na may kapasidad na magprodyus ng proyekto para sa kanya pero may gumawa ba nu’n?

Pinaghirapan niya ang Trip Ni Kris, nag-effort siya, pero sana’y bigyan din niya ng pagpapahalaga ang taong sumugal para lang makabalik siya sa telebisyon.

Pasasalamat dapat ang marinig kay Kris Aquino, hindi panunumbat, lalong hindi pagsasabing nagamit lang siya sa pakikipagtrabaho sa kanyang prodyuser.

vuukle comment

SEMANA SANTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with