^

PM Sports

Gorayeb iiwanan ang desisyon sa National University management

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Hahayaan ni coach Roger Gorayeb ang Natio-nal University ang magdesisyon kung muli siyang bibigyan ng panibagong kontrata matapos mag-hain ng 'courtesy resignation' nang masibak ang Lady Bulldogs sa Final Four ng UAAP Season 79 volleyball tournament.

Yumukod ang Lady Bulldogs sa UST Tigres-ses, 20-25, 19-25, 25-22, 25-21, 15-12, sa huling araw ng double-round robin eliminations noong nakaraang Sabado na siyang nagtanggal sa kanila sa playoff contention.

Kinuha ni Gorayeb ang trabaho noong Season 77 kung saan pinalitan niya si coach Ariel Dela Cruz sa kalagitnaan ng first round at nagawa niyang ihatid sa Final Four ang Lady Bulldogs.

Ngunit nag-iba ang itinakbo ng kanilang kopo-nan sa sumunod na dalawang taon.

Naglista ang NU ng kartang 7-7 sa magkasunod na season at nabigong umusad sa semifinals.

Ayon kay Gorayeb, kailangang tanggapin ito ng Lady Bulldogs at ituon ang atensyon sa kanilang mga plano para sa hinaharap.

“Ganun talaga, hindi natuloy eh. Kahit gaano ka-painful sa amin 'yun we have to accept it,” pahayag ni Gorayeb.

“Reflect lang kung ano 'yung pagkukulang, kung ano 'yung dapat baguhin, idagdag at bawa-san. It's a good run,” dagdag pa ng multi-titled mentor sa koponan ng NU.

Ibabandera pa rin ng Lady Bulldogs ang ka-nilang mga key players katulad nina Jaja Santiago, Jorelle Singh, Risa Sato at setter Jasmine Nabor sa susunod na taon, habang didiretso naman sa Final Four matapos ng apat na taon ang Tigresses kung saan makakaharap nila ang nagdedepensang La Salle Lady Spikers. FMLumba

 

vuukle comment

ROGER GORAYEB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with