^

Punto Mo

Mga lahi ni Hudas Binabaklas

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

SEMANA Santa na at gugunitaing muli ng mga Kristiyano ang pagpapasakit ni Kristo para sa kaligtasan ng kanyang mananampalataya. Hindi na mauulit na muli ang mga pangyayari, kaya nasa bawat isa na lamang ang paraan kung papaano iiwas sa kapahamakan na dulot ng pagiging makasalanan.

Si San Pedro ang may pinaka-malaking kasalanan na ginawa, itinatwa nito na kilala niya si Kristo ng tatlong beses. Si Santo Tomas ay nagduda sa ibinalita ni Magdalena na nabuhay na muli si Kristo at si Hudas na hindi ginawang santo ay pinalalabas na pinaka-masama sa tatlo, samantalang wala naman siyang ginawa kundi ituro kung sino at nasaan si Kristo. Pinaniniwalaan na si Hudas ang treasurer at fundraiser ng grupo ni Kristo, kaya maaaring pera ang dahilan kung bakit naging pinaka-masamang nilalalang ito sa balat ng lupa.

Ganito rin ang nangyayari sa Duterte Administration, pinagbintangan si Undersecretary Halmen Valdez na naglaglag kina NIA Chief Peter Lavina at PCA Administrator Avelino Andal na kapwa sinibak ni Pres. Rodrigo Duterte dahil sa korapsyon. Taliwas sa nangyari kay Hudas, hindi nagsisi si Valdez, manapa’y binigyan  niya ng butas ang administrasyon para masibak din siya, kahit wala naman itong kinalaman sa pera.

Marami ang halos hindi makapaniwala na sisibakin ni Digong ang mga kaibigan nito na matagal na nakasama at ka-braso sa pagtakbo nito sa nakaraang eleksyon. Karaniwan kasi na nagiging premyo o bayad sa utang na loob ang pagtatalaga sa puwesto ng isang kaalyado sa pulitika. Matagal na nagbabala si Digong na hindi nito kukunsintihin ang sinuman na masasangkot sa korapsyon, maging ito ay malalapit niyang kamag-anak o kaibigan.

Marami pa ang masisibak na opisyal at kawani ng gobyerno sa hindi magtatagal na panahon at tinatayang magmumula ito sa hanay na nasa ilalim ng Department of Finance na direktang may kinalaman sa salapi na ka-departamento ni Hudas magmula ng iwanan ito ni San Matias, na isang tax collector.

* * *

BAKAS ni KOKOY ALANO sa RADYO LA VERDAD 1350 AM Band Sabado 5:00-7:00 p.m.

vuukle comment

SEMANA SANTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with