^

Police Metro

Pinay kulong sa visa scam sa NZ

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Matapos mapatunayang nagkasala ay hinatulan ng halos isang taong house arrest sa New Zealand ang isang 35-anyos na Pinay na nag-isyu ng mga pekeng visa sa mga overseas Filipino workers.

Sa lumabas na ulat sa The New Zealand Herald, kinilala ang Pinay na si Loraine Anne Jayme,  ng Te Aroha na nag-plead guilty sa 284 counts ng immigrations fraud charges.

Natuklasan ang visa scam ni Jayme at inaresto matapos ang isinagawang operasyon ng New Zealand Immigration Department noong Oktubre 2015 dahil sa pagbibigay nito ng mga counterfeit visas sa may 17 Pinoy na dairy farm workers kapalit ng halaga at kanilang trabaho.

Bukod sa pagkakakulong, pinatawan din ng korte si Jayme ng 180 oras na community service.

Lumalabas na nagtataglay si Jayme ng dual citizenship sa Pilipinas at New Zealand. Humingi umano siya ng $2200 o P78,000 para sa work applications sa ilalim ng tatlong pekeng mga kumpanya na AJM Farming, Kinvarra Farms at Mathan Farms.

Inireklamo rin ng mga employer si Jayme na ang mga bagong tanggap na manggagawang Pinoy ay kulang sa skills o kakayahan taliwas sa nakasaad sa kanilang resume.-  

vuukle comment

LORAINE ANNE JAYME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with