^

PM Sports

Bigay-todo si Westbrook ngunit kulang

Pang-masa
Bigay-todo si Westbrook ngunit kulang
Umiskor si Russell Westbrook ng Oklahoma sa laban kontra sa Charlotte.

OKLAHOMA CITY -- Inilapit ni Russell Westbrook ang sarili para sa pagtatala ng kanyang pangalan sa NBA history ngunit hindi sapat ang ika-40 triple-double niya sa season para maipanalo ang Thunder.

Tumapos si Westbrook na may 40 points, 13 rebounds at 10 assists sa 101-113 home loss sa bisitang Charlotte Hornets.

Isang triple-double na lamang ang kailangang maitala ng Thunder guard para mapantayan ang record na 41 ni Hall of Famer Oscar Robertson na naitala noong 1961-62 para sa Cincinnati Royals.

Sa anim na larong natitira sa regular season ay kayang-kaya ni Westbrook na magawa ito.

Lalabanan ng Thunder ang Milwaukee Bucks sa Martes sa Oklahoma City.

Ito ang unang career triple-double ni Westbrook laban sa Hornets.

Ang tanging koponan sa NBA na hindi pa niya nalistahan ng triple-double ay ang Chicago Bulls.

Nakamit ng NBA top scorer ang kanyang ikaa-nim na sunod na triple-double, ngunit nalasap naman ng playoff-bound Thunder ang pangala-wang dikit na kabiguan.

“We’ve got to win,” sabi ni Westbrook. “That’s my thoughts.”

Sa Cleveland, kumamada si LeBron James ng 40-point triple-double para igiya ang Cavaliers sa 135-130 double overtime win laban sa Indiana Pacers at makadikit sa Eastern Conference leader na Boston Celtics.

Naglista si James ng 41 points, 16 rebounds at 11 assists para sa kanyang pang-11 triple-double sa season at ika-53 sa kanyang career.

Binanderahan naman ni Paul George ang Pacers sa kanyang 43 points kasama dito ang 19 markers sa dalawang yugto ng overtime bukod pa sa 9 rebounds at 9 assists.

Sa Oakland, pinalawig ng Golden State Warriors sa 11 sunod ang kanilang panalo nang durugin ang Washington Wizards, 139-115.

Nagpasabog si Stephen Curry ng 42 points na tinampukan ng 9 triples habang nagtala si Draymond Green ng triple-double para sa 63-14 record ng Warriors.

Hawak ng Warriors ang three-game lead laban sa San Antonio Spurs at nakatutok sa top spot at home-court advantage sa playoffs.

Nagposte si Green ng 11 points, 13 assists at 12 rebounds, ang kanyang ika-19 career triple-double at pang-lima sa season.

 

vuukle comment

BIGAY-TODO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with