^

Punto Mo

Abusadong towing company bantayan din!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Walang humpay ang mga paghahatak ng mga nakaparadang sasakyan sa mga lansangan base na rin sa programa ng MMDA na mapaluwag ang daloy ng  trapiko lalu na nga ang mga pangunahing kalsada.

Nais lang nila na maalis ang mga sagabal sa daan na dapat lang naman.

Gayunman,  dapat rin naman na maipatupad at maisakutaparn ang mga panuntunan sa tamang  pag-tow ng mga sasakyan.

Kailangan ding maipaalam nila sa publiko ang mga karampatang  panuntunan para naman hindi sila maabuso ng ilang pasaway na towing company.

Dapat rin na malinawan na hindi lahat ng towing eh pwedeng humatak sa mga sasakyan.

May pananagutan dito ang MMDA na maipaliwanag at maibatid sa publiko  na tanging ang kanilang mga accredited na   towing company ang dapat na magsagawa nito.

Hindi lang basta manghihila kundi kailangang malinaw na masunod ang ipinatutupad ng batas.

May natanggap din naman tayong sumbong na ilan eh talagang walang habas na lamang sa kanilang paghila kahit nga hindi naman permanente ang pagkaparada ng isang sasakyan sa kalsada.

May pagkakataon lamang na hindi maiiwasan at sandali lamang paparada, nakaabang na agad ang ilang buwayang towing na basta hihila na walang pang kaukulang pag-iingat.

Madalas na ang may-ari ng mga sasakyan ang talagang napeperwisyo lalu na kung bara-bara ang ginawang paghatak, resulta gasgas dito, pipi doon.

Supotado natin ang MMDA sa ganitong mga programa , yun nga lang sana rin naman ay hindi maabuso ang ganitong mga proyekto ng ilang mga pasaway na tauhan at towing company.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with