Unilateral ceasefire ayaw ni Digong
MANILA, Philippines - Ayaw ni Pangulong Duterte na tapatan ang unilateral ceasefire na planong ideklara ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Sinabi ni government chief peace negotiator Silvestre Bello III na target ni Pangulong Duterte na magkaroon ng bilateral ceasefire agreement sa halip na unilateral ceasefire.
Ayon kay Bello, hindi naman balakid sa usapang pangkapayapaan kung hindi magdedeklara ng unilateral ceasefire ang pamahalaan.
Aniya, gagawin ang fourth round ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at NDF panel sa The Netherlands mula ?April 2-?7.
Wika pa ni Bello, maaring hindi na ang Norway ang magsilbing referee o facilitator ng peace process kundi ang bansang Switzerland, Canada o Australia.
Tatalakayin sa fourth round ng peace talks ang usapin sa battle zone, revolutionary tax at comprehensive agreement on socio economic reform na itinuturing na pinakamahalagang aspeto sa peace process.
- Latest