^

Police Metro

Killer ng lady cop, tigok sa buy-bust

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isa pang  suspek  sa pamamaslang kay PO1 Jorsan Marie Alafriz noong nakaraang Marso 19 ang nasawi sa isinagawang buy-bust operation ng Manila Police District-District Drug Enforcement Unit sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspect na   si Daniel Batac, alyas Jukoy at Chukoy, residente ng  Mayhaligue St. , Tondo, Maynila.

Sa ulat, dakong alas- 10:35 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay sa  Mayhaligue  St. sa  panulukan ng F. Tubera St., sa Tondo

Nabatid na nagsagawa ng buy-bust ang grupo na pinamunuan ni P/Chief Insp. Salvador Tangdol, laban sa suspek na si Batac, nang magpaputok umano ito sa direksiyon ng mga pulis nang siya ay aarestuhin.

Nabatid na isa sa operatiba ang nagawang makabili ng isang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P500 kaya agad na ikinasa ang pag-aresto.

Nang matunugan ng suspek ang presensiya ng mga back -up na pulis ay naalerto ito at nagbunot ng baril na unang nakipagputukan.

Nang duguang bumagsak ay isinugod pa sa Metropolitan Medical Center (MMC) subalit idinekalarang dead-on-arrival. Narekober mula sa suspek ang isang 9mm at 45 na mga kalibre ng baril, mga magazine at mga bala. Narekober din ang P500 marked money,  ang isang plastic sachet ng shabu na nabili ng mga pulis at isa pang plastic na naglalaman 4 na pirasong sachet ng shabu.

Isa rin umano ito sa apat na suspek sa pagpatay kay PO1 Alafriz, maliban pa sa napatay naman ng riding in tandem na si Jefferson Li noong gabi ng Marso 20.

vuukle comment

JORSAN MARIE ALAFRIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with