^

Police Metro

Hindi ikaw ang boss ko! - Lopez kay Dominguez

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi uurungan ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Gina Lopez  si Finance Secretary Sonny Dominguez at iginiit na mag-Presidente muna ito bago nya ito sundin.

Tila napuno sa aniya’y panghihimasok ng kapwa gabineteng si Dominguez kaya matapang itong nagpahayag ng mga katagang “you’re not my boss, only the President can tell me what to do.” Pinaratangan din ni Lopez si Dominguez ng pang-aagaw sa kapangyarihan sa DENR.

Iginiit ni Lopez na si Dominguez  ang nagtulak sa pagpapalawig sa Mining Industry Coordinating Council (MICC) noong Pebrero para pabagsakin ang kanyang desisyong ipasara ang 23 minahan at suspendihin ang limang iba pang mining companies.

Wika pa ni Lopez na si Dominguez na limang taong naging top mining executive ay hindi sumunod sa due process sa usapin ng pagpapasara ng minahan.

“Para sa  kalihim ng DENR ang mining audit ay tapos na kaya off-limits na ito sa MICC.

Sinabi pa ng DENR chief na sa kauna-unahang MICC meeting ay sinabi niyang wala siyang kamuwang-muwang  nang  pumirma sa gagawing review sa mining operation kaya basta na lamang umano siya pumirma sa MICC na nagtatalaga sa kanya at kay Dominguez na mag-co-chair na tila baga iparebyu ang kanyang naging desisyon naipasara ang mga minahan

Ayon kay Lopez ang tanging papel ng MICC ay “purely recommendatory” kaya dapat nitong irespeto ang regulatory powers ng DENR. Nakatakdang dumalo si Lopez sa susunod na Cabinet meeting sa Abril 3.

vuukle comment

GINA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with