^

Police Metro

Parak itinumba sa harap ng bahay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang isang pulis na nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa harap ng kaniyang bahay sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ilang tama ng bala ng baril ang tinamo ng biktimang nakilalang si PO1 Jay Paguinto, 37, AWOL ang status sa serbisyo, at residente ng Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Sa ulat ni SPO1 Joseph Kabigting ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas- 5:15 ng hapon nang maganap ang insidente noong Marso 28 (kamakalawa) sa tapat ng bahay ng biktima.

Ayon sa imbestigasyon, nakitang may kausap ang biktima sa kanyang sa harap ng kanyang bahay at base sa mga pananalita ay galit na galit ito .

Hindi nagtagal ay umalingawngaw ang 3 magkakasunod na putok at nakitang nakahandusay na si Paguinto na duguan ang iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Wala namang nais magsalita sa mga saksi o residente ng lugar kaugnay sa pamamaril.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente upang mabatid ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pamamaslang.

Posibleng may kinalaman sa iligal na droga ang insidente at kinukumpirma pa ang mga impormasyong ang nasawi ay  suspek  sa pamamaslang sa dalawang indibiduwal na sangkot sa iligal na droga kamakailan lang.

vuukle comment

JAY PAGUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with