^

Pang Movies

Paolo binibitbit ang anak ni LJ sa taping

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Halos apat na araw ang pananatili namin sa Pradera Verde Water Park and Golf Course sa Lubao, Pampanga dahil doon ginanap ang Summer Episode ng Bubble Gang. Bilang tumutulong sa longest running gag show ay medyo napagod kami dahil sa init tuwing umaga. Kaya pag-uwi namin ay ramdam namin ang kapaguran.

Wala naman naging problema sa taping dahil full support ang management sa Pradera Verde. Ibinigay nla ng 100 percent ang mga pangangailangan ng taping. Sa pagkain lang ng tatlong beses plus yung mga snacks mula umaga hanggang midnight ay bumubuhos na parang naranasan ko sa Star Cruise Virgo noong nag-taping doon ang Pepito Manaloto. Wika nga ng ibang production staff ay ganadung-ganado at mabilis kumilos ang mga taga-engineering o in charge sa mga equipment ng Pradera dahil kuntento at busog na busog sila sa mga pagkain doon.

Bukod sa regular cast ng Bubble Gang ay naging panauhin ang Meant To Be leading men na sina Ivan Doschner, Ken Chan, at Addy Raj.

Guest din si Sinon Loresca aka Rogelia na kinagigiliwan ng lahat. Si Jak Roberto naman ay regular na sa Bubble Gang. Nandoon din sina Jay Arcilla, Mikoy Morales at Archie Alemania na mukhang mga semi-regular na ng programa. Kinaaliwan rin ng marami si Kim Domingo na super sexy sa kanyang swimsuit.

Si Paolo Contis ay dumating kasama si Aki at yaya nito. Sa nakita namin sa pagiging malambing at malapit ni Aki kay Paolo ay parang siya ang ama nito. Si Aki ay anak ni LJ Reyes kay Paulo Avelino at hindi namin alam kung dinadalaw pa nito si Aki at sinusuportahan.

Naalala tuloy namin si Jake Ejercito na lately ay pinagdadamutan daw ni Andi Eigenmann sa anak nilang si Ellie. Kaya hindi ko alam kung bago ‘yung picture  ni Jake sa nakaraan niyang birthday.

Nang umalis kami noong Martes ng hapon sa Pradera Verde ay naiwan pa doon sina Boy 2, Sef Cadayona, Kim Domingo na ini-enjoy ang mga amenities ng Pradera Verde. Balak nga raw bumalik si Michael V doon para isama ang pamilya. Kaya hindi ako magugulat kung mag-taping din doon ng isang episode ang Pepito Manaloto.

Mapapanood na sa darating na Biyernes ang first part ng summer episode ng Bubble Gang.

Chris Tiu musikero rin

Magaling palang mag-piano si Chris Tiu. Bukod sa pagiging sportsman, philanthropist at TV personality ay may natatago itong talento sa music. Hindi niya sinasayang ang kanyang oras sa mga nagdaang panahon. Kaya naman napalaki siya ng maayos na may takot sa Diyos mula sa pamilyang relihiyoso.

Kaya naman hindi nawawala ang science program niya na I Bilib sa GMA 7 tuwing Linggo ng umaga kasama sina Moymoy Palaboy. Sa darating na Linggo ay magiging pana­uhin niya ang batang si Paopao ng Encantadia para aliwin ang mga bagets.                     

vuukle comment

CHRIS TIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with