^

Punto Mo

Korean mafia sa Pilipinas

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MISMONG si Justice secretary Vitaliano Aguirre ang nagsabi na mayroong Korean mafia sa bansa.

Ayon kay Aguirre, batay sa impormasyon na ibinigay sa kanya ng National Bureau of Investigation (NBI) ay hinihinalang may kinalaman ang Korean mafia sa pagkamatay ng Korean businessman na si Jee Ick- joo.

Ipinaliwanag ni Aguirre na dalawang beses ng nakidnap ng umano’y Korean mafia ang negosyanteng si    Jee      bago nakidnap ng grupo ni SPO3 Ricky Sta. Isabel.

Isa na naman itong halimbawa na makalipas ang ilang linggo ay tila nakalimutan na ang usapin ng pagpatay sa negosyanteng Koreano.

Dapat ay ipursige ng NBI ang imbestigasyon ng Korean mafia sa bansa dahil maaaring makasira ito sa imahe ng Pilipinas sa paningin ng mga dayuhan.

May mga ulat kasing natanggap si Aguirre na may na-kagalit si Jee sa Korean mafia kaya hinihinalang ito ang sanhi ng kanyang kamatayan.

Maraming Koreano ang naninirahan at nagnenegosyo sa bansa kaya marapat alamin ng mga otoridad ang aktibidad ng sinasabing Korean mafia.

Si dating police general at ngayon ay congressman Romeo Acop ay nahihiwagaan sa kaso ni Jee na posibleng pinatrabaho at pinapatay  talaga ang Koreano sa grupo ni Sta. Isabel pero humingi ng ransom sa pamilya kahit patay na ang biktima.

Dahil sa rami ng mga kontrobersiyal na balita na luma­labas ay nakalimutan na ang kaso ni Jee at ang usapin ng Korean mafia sa bansa.

Dapat kalampagin ang mga awtoridad na kahit hindi na nabibigyang pansin ng media ang kaso tulad ng Korean mafia ay dapat na kumilos pa rin at ipagpatuloy ang imbestigasyon para sa interes ng publiko.

vuukle comment

KOREAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with