^

PSN Showbiz

Ronnie hindi minasama ang pag-uugnay sa kanila ni Vice

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nauugnay ngayon kay Vice Ganda ang isa sa mga miyembro ng Hashtags na si Ronnie Alonte. Malapit daw talaga si Ronnie kay Vice kaya nabibigyan ng kulay ng online bashers ang kanilang pagkakaibigan.

“Oo nga, ‘yung mga bashers mema (may masabi lang) eh. Grabe nila i-judge ‘yung mga bakla eh. Totoo ‘yun, grabe nila i-judge ‘yung mga bading at once na kasama, ibig sabihin jowa kaagad. So parang may something kaagad. Kagaya kay Vice or sa ibang make up artist or kahit sino man po,” bungad ni Ronnie.

Para sa baguhang aktor ay napakabuting tao ni Vice kaya hindi dapat lagyan ng malisya ang pagiging malapit nila sa isa’t isa.

“Sobrang okay kami. Sa lahat ng nakakasalamuha ko na same ni Vice, okay ako. Mabait ako sa kanya, mabait kami sa isa’t isa. Wala kaming relasyon,” paglilinaw ni Ronnie.

Napag-usapan at pinagtawanan na lamang daw ng dalawa nang mabalitaan ang malisyosong isyu tungkol sa kanila.

“Nagkita kami sa Showtime and hindi namin in-open sa isa’t isa. Pero isang beses nasabi namin, ‘Uy! Alam mo ba may ini-issue sa ‘tin?’ And natawa lang kami sa isa’t isa. Mga tao nga naman talaga,” kwento ng binata.

Hindi na iniintindi ni Ronnie ang mga sinasabi ng online bashers tungkol sa kanya at sa halip ay ikinatutuwa niya ito.

“Masama kung hindi ako napapansin or wala akong bashers. Kasi sabi sa akin ng mga beteranong nakakausap ko, sina Vice, Vhong (Navarro), Billy (Crawford), ‘Kapag hindi ka nila binash magtaka ka. Kasi kapag binash ka, ibig sabihin napapansin ka,” giit pa niya.

Relasyon nina Kiana at Sam, tanggap ni Gary V.

Masayang-masaya si Kiana Valenciano sa relasyon nila ni Sam Concepcion. Ayon sa dalaga ay hindi niya inakala na susuportahan din ng mga tagahanga ng singer-actor ang kanilang pagmamahalan.

“At first it was a little overwhelming. I didn’t expect so much love from even his supporters. It’s nice,” nakangiting pahayag ni Kiana.

Tanggap na tanggap daw ng buong pamilya ng dalaga si Sam bilang kanyang kasintahan.

“They are okay with him. It’s kind of funny because he’s somehow been part of the family for forever. Siyempre he worked with both my brothers, he’s friends with almost all of my cousins. It’s nice, I like it,” pagbabahagi ni Kiana.

“I think the best thing about him is he’s very selfless. He’s very caring and very patient. Ano pa ang hahanapin mo sa tao? It’s nice because kapag may disagreement, he really make sure that we get to the bottom of it, in a respectful way. He’s really good guy. I like that about him. I know that I can be 100% myself when I am with him. It’s great,” dagdag pa niya.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with