^

Kutob

Marso 19, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Sa bawat pangangailangan, nagkakaloob ng ating Manlilikha ng tulong. Kaya anong dapat ipa­ngamba kung nananalig ka sa Kanya?

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Isang mahalagang kasunduan ang maaaring magawa. Kakailanganin ang ibayong pag-iingat bago pumalaot sa isang pakikipagsapalaran lalo na sa negos­yo. Iwasan ang mga bagay o inumin na makakasama sa lalamunan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 37, 42 at jade green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Masigla ang katawan kung itutuloy ang pag-aayos ng tahanan. Ang personal na suliranin ay maaaring makatagpo ng katapat na solusyon. Patawarin ang nagkasala para gumaan ang hanap-buhay. Iwasan na magtanim ng hinanakit. Lucky numbers at color for the day ay 21, 29, 36, 38 at pink.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Pigilin ang sarili dahil magiging mainit sa pag-ibig. Makakabuti na pairalin ang disiplina sa sarili. Pag-isipan  nang mabuti ang mga bagay-bagay bago gumawa ng hakbang o desisyon. Huwag magpadalus-dalos. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 27, 32 at tangerine

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Malamang may hindi inaasahang panauhin na hihingi ng tulong ngunit hindi kayang paunlakan. Malaking pagbabago ang mangyayari kung iiwasan ang mga tsismosa. Huwag magtiwala kahit kanino ngayon. Lucky numbers at color for the day ay dollar green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Maaaring hihingi ang katawan ng paglilibang. Mabuting paglabanan ang masamang bisyo sapagkat bukod sa magiging gipit sa pera, malimit na away ang mapapala. Tiyakin na huwag mangutang dahil mahihirapang magbayad. Lucky numbers at color for the day ay 6, 8, 10, 14 at platinum pink.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Maging alerto sa paligid kung nasa labas ng bahay. Kailangan ang lubos na pag-iingat sapagkat maaaring mawalan ka ng gamit. Ilagay lagi sa isip ang mga mahahalagang bagay para hindi makalimutan  o mawaglit. Lucky numbers at color for the day ay 4, 9, 13, 28 at white.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Ang kaunting suliranin sa negosyo o hanap-buhay kung hahayaan ay maaaring maihambing sa isang saranggola na nawalan ng hangin. Ang maagap na paghahanap ng tamang solusyon ang tanging tamang paraan para malampasan ang naka-ambang problema. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 29, 38 at sapphire blue. 

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Magpakatatag na harapin ang katotohanan. Huwag iwasan ang responsibilidad na nakaatang sa balikat. Kailangang pairalin ang tamang pag-iisip sa mga gawain para maiwasan na magkamali o madisgrasya. Lucky numbers at color for the day ay 2, 5, 25, 42 at cannary yellow.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ituloy ang mga gawain sa kabila ng mga hadlang. Ang maging maagap ay may dulot na pakinabang. Nababagay ang pakisalamuhang sosyal kaya huwag paalpasin kung may pagkakataon. Lucky numbers at color for the day ay14, 26, 37, 40 at royal blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) –  Paglabanan ang tukso ng karangyaan sapagkat  alam ng sarili na may kakapusan sa pera. Matutulungan ng isang kaibigan o kamag-anak ang suliran kung magiging tapat. Iwasan ang ano mang uri ng paanyaya. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 31, 39 at emerald green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Iwasan ang maging masalita at baka makasagupa ng katapat. Maaaring makatagpo ng taong madaling mag-init ang ulo. Malaking pakinabang ang maging mahinahon sa lahat nang pagkakataon. Magaan ang pasok ng pera. Maunlad ang negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 21, 23, 24, 34 at magenta.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Kung may karamdaman, tiyakin na makapagpatingin kaagad sa doctor. Huwag basta uminom ng gamot at baka magka-alergy. Iwasan ang matuyuan ng pawis, mabasa ng ulan o maambunan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 21, 33, 35 at indigo.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with