^

Probinsiya

Motorsiklo, 2 bahay inararo ng trak: 6 patay!

Joy Cantos, Francis Elevado, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anim katao ang kumpirmadong patay kabilang ang isang pamilya habang tatlo pa ang malubhang nasu­gatan makaraang salpukin ng isang rumaragasang 22-wheeler trailer truck na puno ng bakal ang isang motorsiklo at araruhin ang dalawa pang kabahayan sa boundary ng Brgy. Estancia sa  Malinao at Brgy. Quinastillohan, Tabaco City, Albay kamakalawa.

 Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Albert Baroga, drayber ng SYM motorcycle, misis na si Jasmine Baroga, 36 at anak na si Clark Camiro, 6-anyos pawang residente ng Purok 7, Brgy. Soa, Malinao, Albay; Orlando Campo, 49 anyos, trailer truck driver, may asawa ng  P-1, Del Rosario Naga City, Camarines Sur at ang dalawang  truck helpers na sina Rommel Nantes, 27, ng Brgy. Laglag, Camalig, Albay at James Romero, ng Palanog, Camalig, Albay.

Nilalapatan naman ng lunas sa Ziga Memorial District Hospital ang tatlong mag-anak na pawang nakatira sa unang bahay na binangga ng trak na sina Jason Bonganay, 28; Jeffrey Bonganay, 36; at  Daniel Bonganay, 57, pawang ng  Purok 6, Estancia, Malinao, Albay.

 Naputol ang katawan at ulo ng rider na si Albert Baroga nang masagasaan at makaladkad habang nagkalasug-lasog ang katawan ng kanyang mag-iina.  Patay din ang drayber ng truck na si Campo at dalawang helper nito nang madaganan ng mga bakal na kanilang ide-deliber sa Tabaco City. Inabot nang halos apat na oras bago nahugot ang kanilang katawan ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection ng Tabaco mula sa pagkakaipit sa mga bakal.

Sa ulat sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas 2:30 ng hapon, galing sa Ligao City patungong Taba­co City ang trak (RNG-364) na kargado ng tone-toneladang steel sheet piles nang mawalan ng preno at nawalan nang kontrol sa manibela ang driver at  saka bumangga sa kasalubong na motorsiklo (EA-28972) saka inararo ang dalawang bahay na nasa gilid ng highway.

vuukle comment

BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with