^

PSN Opinyon

Mga adik, baliksa slum areas

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Mula nang ibasura ng Philippine National Police ang “Oplan Tokhang” nagbalikan ang mga adik sa slum areas­ dahil nawalan ng pangil ang mga pulis at baran­gay. Pati pagtugis sa drug pushers/users  ay hindi basta-basta maipatupad ng PNP at barangay dahil tanging ang Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) lamang ang may kapangyarihan pagdating sa usaping droga. Kaya humihiyaw ang ilang mga kababayan na ibalik ang “Oplan Tokhang”.

* * *

Kung may mga kabataang tambay at nahuhumaling sa droga, mayroon din namang kabataan na nalilinya sa mga outreach program na masasabi kong kapaki-pakinabang sa mamamayan. Katulad ng Mars and Friends in Action (MAFIA) na binubuo ng mga batang engineer, teachers at iba pang propesyunal na naglalakbay ng milya-milya marating lang ang mga liblib na lugar. Ang layunin nila ay upang ipamahagi ang kaalaman sa Edukasyon upang maging produktibo at magiging kapaki-pakinabang sa bayan. Kasama sa kanilang programa ang paglalahad ng mga istoryang pambata na kapupulutan ng aral, pag-awit at pagsayaw, pagtuturo ng art at pagpapahalaga sa kalikasan. Siyempre kabilang na riyan ang pagbibigay ng mga gamit pang-eskuwela, laruan, pagkain at damit. 

Ayon kay Jhoanna  Grace nakapamahagi na ang MAFIA­ sa bundok ng Mt. Balagbag sa Rodriguez, Rizal, Mt. Tagapo sa Janosa, Talim Island, Binangonan, Rizal, Mt. Timbak sa Pasco, Kabayan, Benguet, Mt. Isarog sa Camarines Sur. At Baybay Elementary School sa probinsya ng Antique. Di lamang pala mga bata sa bundok ang kanilang dinarayo maging sa Metro Manila tulad ng CAA Elementary School sa Las Piñas at ang pagbibigay ng konting kasiyahan sa Tahan-Tahanan sa East Avenue Medical Center. Ika nga ng MAFIA “We can’t help everyone, but everyone can help someone”. Maging si  Marvi Lara Maerina head ng Beautiful Diversion ay may ilang beses na ring nagsagawa ng outreach program sa ilan nating mga kababayan. “Our Mision is to contribute to the advancementang general welfare of children from poor communities, by aiding the local government with providing basic neccesities, education and moral support to these children and molding them into productive and involved members of their community”.

Ang unang outreach program ng Beautiful Diversion ay sa Sitio Haduan, Mabalacat, Pampanga.  Nasundan ito sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno sa Mt. Pamitinan, Rodriguez, Rizal, Dinalaw ang mga Lolas & Lolas sa Kanlungan ni Maria Home for Aged sa Antipolo Rizal. Ibinuhos ng grupo ni Ms. Lara ang anibersaryo ng Beautiful Diversion sa Sito Cabuyao, San Felipe, Zambales  na kung saan namahagi ng mga regalo at pagkain at Naging special ang Christmas Party sa mga taga Sitio Anangca, San Felipe, Zambales. Ilan lamang iyan sa lugar na nabisita at napasaya ng grupo ni Lara at nito ngang nakaraang linggo lamang namahagi ng pagkain at school supply sa Sitio Yangil barangay Maloma, San Felipe, Zambales.  Kaya saludo ako sa MAFIA at Beautiful Diversion na dapat tularan ng mga kabataan ngayon. Kaya mga suki, suportahan natin ang grupong ito ng mga kabataan na tumutulong sa kapwa. 

vuukle comment

SLUM AREAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with