^

Pang Movies

Mariel hot pick sa Binibini

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Maganda ang mga kandidata sa Bb. Pilipinas 2017 kaya sure na matindi ang labanan na mangyayari.

Siyempre, magiging bias ako dahil bet ko na mag-win si Mariel de Leon, ang anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Natural ang ganda ni Mariel dahil walang niretoke sa anumang parte ng kanyang katawan at mukha. Maganda talaga ang genes ng pamilya niya. Kayo na ang magkaroon ng ama na kasing guwapo ni Boyet at nanay na kasing ganda ni Sandy.

Anim na beauty title ang ipamimigay sa coronation night ng Bb. Pilipinas 2017 at naniniwala ako na may isang korona para kay Mariel.

Anu-ano ang anim na korona? Nandiyan ang korona ng Miss Universe Philippines, Miss International Philippines, Bb. Pilipinas Intercontinental, Bb. Pilipinas Supranational, Bb. Pilipinas Grand International, Bb. Pilipinas Globe at ang 1st and 2nd runner-up.

In fairness kay Mariel, marami ang may bet sa kanya na manalo ng korona dahil blooming na blooming ngayon ang beauty niya.

Tatlong bibe palabas na pala

Kahapon pala ang showing ng Tatlong Bibe sa mga sinehan.

Maaga na nagpatawag noon ng presscon ang produ ng Tatlong Bibe na isasali sana sa Metro Manila Film Festival 2016 pero hindi nakalusot.

Starring sa Tatlong Bibe ang mga child star na si Raikko Mateo, Lyca Gairanod, at Marco Masa.

Co-stars ng tatlong bagets ang veteran actor na si Eddie Garcia at ang madir ni Senator Manny Pacquiao na si Dionisia.

Pabebe lang si Mommy D sa Tatlong Bibe, hindi siya ang bibe. Hindi nga naka-apir si Mommy D sa presscon noon ng Tatlong Bibe dahil not feeling well siya.

‘Good health and more blessings, Mama June’

Belated happy birthday sa aming PAMI president na si June Rufino.

Noong February 28 ang kaarawan ni Mama June at ginanap sa isang restaurant sa Makati City ang birthday dinner niya.

Invited ako pero hindi ako nakarating at alam na ni Mama June ang dahilan.

Ang kanyang mga anak, apo, kapatid, kaibigan, mga alaga at mga kasamahan sa PAMI ang invited guests sa birthday dinner para kay Mama June. Good health at more blessings ang mga birthday wish ko sa masipag at depen­dable president ng PAMI.

Showbiz personality nagkalat sa isang party

Ma at pa ang sagot ko sa mga nagtatanong tungkol sa identity ng showbiz personality na gumawa ng eksena sa isang birthday party, ilang linggo na ang nakalilipas.

Hindi kasi pinangalanan ang showbiz personality sa mga blind item na lumabas pero knows niya na siya ang subject.

Moral of the story? Drink moderately. Huwag magpakalasing para huwag mawala sa sarili at maka-offend ng ibang mga tao.

Remember, bisita ka lang kaya dapat umayos ka nang naaayon sa ugali ng isang guest na maganda ang asal. Masaya sana ang party na nasira dahil naging rude ang bisita na nang-insulto ng kapwa.

vuukle comment

BB. PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with