^

Police Metro

NIA chief nagbitiw sa puwesto

Angie dela Cruz, Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Nagbitiw sa kanyang tungkulin si  National Irrigation Administration (NIA) Chief Peter Tiu Laviña, dating campaign spokesman ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi na makayanang paninira sa kanya ng ilang tao at pag-aakusa na nanghihingi ng pera sa mga contractor ng NIA.

Binigyang diin nito na walang katotohanan ang mga paratang sa kanya  at sa katunayan ay ginagawa niya ang lahat para isulong ang reporma sa ahensiya na magbibigay ng malaking pakinabang sa mga magsasaka sa bansa.

Ang pagbibitiw sa puwesto ay upang hindi mapahiya ang Pangulong Duterte at ang NIA.

Pinasalamatan din ni Laviña si Pangulong Duterte dahil sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya nito.

Si Laviña ay naitalaga ni Pangulong Duterte bilang NIA administrator noon lamang nagdaang buwan ng Nobyembre 2016.

Itinanggi rin ni Secretary to the Cabinet Leoncio Evasco Jr. na sinibak ni Pangulong Duterte si Laviña bagkus ay nagsumite ito ng kanyang re­signation noong nakaraang linggo at epektibo nitong Pebrero 28.

Pero sa speech ni Pa­ngulong Duterte noong Feb. 24 sa Davao City ay sinabi nitong may isang taga-Davao ang kanyang sinibak dahil sa alingas­ngas na nasangkot ito sa corruption pero hindi niya pinangalanan.

vuukle comment

NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with