^

Police Metro

2 patay, 2 sugatan pamamaril

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Dalawang lalaki ang nasawi habang dalawa  ang sugatan sa magkahiwalay na pamamaril sa Quezon City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Rocky Boy Ortega, 29, binata ng Area 5-A, Sitio Cabuyao ng Brgy. Sauyo; at  Jomar Palomar, 22, ng no. 155 Olivas St., Brgy. Pasong Tamo, QC.

Habang ang dalawang sugatan ay nakilalang sina John Paul Salidaga, 24, ng Old Cabuyao, Barangay Sauyo; at Judy Ann Esquilona, 19, dalaga ng Nawasa Line Barangay  Pasong Tamo.

Unang naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling araw nang barilin ang mga biktimang sina Ortega at Salidaga sa may Avocado St.,Old Cabuyao, Brgy. Sauyo ng dalawang hindi pa kilalang suspek sa isang madilim na eskinita.

Ang ikalawa ay naganap dakong ala-1:48 ng mada­ling araw habang bumibili sa isang tindahan sina Palomar at Esquilona sa may kahabaan ng Luzon Avenue kanto ng Olivas St., Brgy. Pasong Tamo ng dumating ang isang kulay puting van at dito ay   bumaba ang apat na suspek at pinagbabaril ang dalawa.

Narekober sa crime scene ang 11 basyo ng bala, dalawang piraso ng tingga ng bala at isang basag na glass tube na may bakas ng marijuana.

 

vuukle comment

ROCKY BOY ORTEGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with