^

PSN Showbiz

Panganay nina Julius at Tintin sa Japan gustong mag-aral

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Nitong nakaraang weekend, nagtungo ang mag-asawang Julius Babao at Tintin Bersola-Babao,  kasama ang kanilang mga anak na sina Anya (Antonia) at Nio (Antonio) sa Tokyo, Japan para sa birthday treat sa panganay nilang si Anya. Kasama nila rito si Mommy Cena Babao ni Julius at ang kanilang inaanak, ang Tokyo-based na si Aila Marie Amoyo Reyes.

Since close si Anya sa kanyang Ate Aila, na-inspire ang bagets na sa Japan na rin mag-aral ng college balang araw.

Ryzza Mae natabunan na talaga ni Baeby Baste

Less and less na ang nagiging participation ng ibang mainstay at Dabarkads ng Eat Bulaga tulad nina Jimmy Santos, Anjo Yllana, at maging si Aleng Maliit na si Ryzza Mae Dizon.

In fairness to TAPE, Inc. na siyang producer ng Eat Bulaga, sa halip na palitan ang ibang mainstay ng programa ng mga bagong mukha ay gumagawa pa rin sila ng paraan na mabigyan exposure ang iba nilang mga datihang Dabarkads.

Kung cute ang dating dati ni Ryzza Mae, napalitan na ito ni Baeby Baste.

Samantala, marami ang nag-i-enjoy sa modified and enhanced game portion ng Eat Bulaga na Jackpot en Poy dahil kahit napakasimple and pure luck ang labanan, naging very interesting ito sa mga manonood dahil sa kakaibang presentation and implementation.

Kung hindi kami nagkakamali, ang Eat Bulaga ay malapit-lapit na ring umabot na ika-apat na dekada sa ere.

vuukle comment

JULIUS BABAO AT TINTIN BERSOLA-BABAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with