^

Pang Movies

Kapalpakan sa Oscars hindi first time!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hanggang ngayon ay hindi pa natitigil ang usapan tungkol sa pagkakamali ng nabasang Best Picture winner sa Oscars. Isipin mo nga naman, ang pinakamalaking awards sa pelikula, hindi lamang sa Hollywood kung di sa buong mundo ay magkakaroon ng ganoong kapalpakan.

Kagaya ng alam na natin, ang nanalong best picture ay ang Moonlight, pero ang nasabi ni Faye Dunaway at Warren Beatty ay La La Land. Nang umakyat sa stage ang mga may kinalaman sa La La Land, nakita ng producer na si Jordan Horiwitz na mali ang nai-announce, kaya tinawag niya ang mga tunay na nanalo, iyong Moonlight at sina­bing hindi pala kanila ang award kundi sa Moonlight nga.

Maliwanag ang nangyari, nagkamali ng abot ng envelope si Brian Cullinan ng Pricewaterhouse Coopers, ang handler ng mga envelope ng Oscars. Ang naiabot niya kay Warren Beatty ay iyong nakasara pang envelope para sa Best Actress. Kaya nang mabasa ni Warren ang envelope, naguluhan siya dahil ang nakalagay doon ay Emma Stone, na nanalong Best Actress. Nag-conclude naman si Faye Dunaway na ang nanalo ay La La Land, kasi nga binanggit ang pangalan ni Stone.

Dalawa kasi ang pinagmumulan niyang mga envelope na iyan na hawak ng dalawang handlers. Ang isa pang handler ay si Martha Ruiz.

Ang dalawa ay parehong may kumpletong sets ng envelope na naglalaman ng mga nanalo. Nasa magkabilang panig sila ng stage. Iyong Best Actress award ay nanggaling kay Ruiz. Iyong Best Picture ay kay Cullinan.

Inamin naman nila na sila ang nagkamali. In fact, bago ang announcement ay alam na nilang nagkamali sila, sinabi na nila sa stage director, pero naging mas mabilis ang announcement nina Warren at Faye. Ibig sabihin walang irregularity sa mga nanalo. Ang nagkamali ay ang mga accountant na may hawak ng envelopes.

Hindi rin iyan first time sa Oscars. Nangyari rin iyan kay Sammy Davis Jr., na nabigyan ng maling envelope noong 1964, nang pinag-present siya ng dalawang awards.

Nangyari na rin iyan sa Pilipinas, pero dito ay iba. Kaso iyon ng misreading. Natatandaan namin, kasama kami noon sa isang award giving body, at na-shock kami nang basahin ng mismong presidente ng award giving body ang ibang pangalan kaysa sa alam naming nanalong Best Actor. Dinaya, pero ang naging katuwiran ay mayroon daw kasi siyang natanggap na telegrama mula sa militar noon na huwag papanalunin ng award ang pelikula, eh bagong martial law noon. Wala namang nakakita isa man ng sinasabi niyang telegram. Nang malaunan, itinanggi ng opisyal na sinasabi niyang nagpadala ng telegram na totoo iyon.

Nag-resign kami agad bilang miyembro ng award giving body na iyon, at noong sumunod na taon, iyon namang ipinatalo nila ang pinapanalo nila ng award bilang bawi.

Sa Oscars, hindi lamang trophy ang ibinibigay sa nanalo. Sa kanila rin ang envelope na talagang pinaganda para ma­ging souvenir nila at katunayan ng kanilang panalo. Dito sa atin hindi ginagawa iyan, kaya nga naulit pa ang isa pang kaso ng misreading ng awards.

Ang sa Oscars ay honest mistake. Iyong dito sa atin deli­berate misreading, kaya nga magmula noon naging ugali na ring ibinibigay ang envelope sa mga nanalo ng award, kahit na nga mumurahing sobre lamang iyon na nabibili sa tindahan sa kanto.

 

vuukle comment

OSCARS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with