^

Bansa

Banta ni Alvarez hinamong ituloy

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinatutuloy ni Albay Rep. Edcel Lagman kay House Speaker Pantaleon Alvarez, ang banta niyang alisin sa majority at tanggalan ng chairmanship ang lahat ng kongresistang tutol sa death penalty bill.

Sinabi ni Lagman, na kung hindi ito gagawin ni Alvarez ay wala nang maniniwala rito, kaya dapat pangatawanan niya ang banta niya lalo pa at mara­ming kontrobersyal na panukalang itinutulak ang Duterte administration.

Paliwanag ng kongresista, ang Liberal Party (LP) naman umano ay hindi takot sa banta ni Speaker dahil bubuo sila ng solid na posisyon kung mananatili o hindi sa super majority ang maraming LP Congressmen pagkatapos ng botohan sa House bill 4727.

Bukod dito, marami umanong nasa super majority ang handang masibak at matanggalan ng chairmanship mapanindigan lamang ang pagtutol sa parusang kamatayan kabilang na dito sina Dinagat Island Rep.Arlene Kaka Bag-ao at Batanes Rep. Henedina Abad.

Sa kabila nito, nanawagan si Akbayan Rep. Tom Villarin na huwag ituloy ni Alvarez ang mapaghiganti niyang polisiya sa mga tututol sa death penalty bill.

Iginiit ni Villarin na kung ganito ang polisiya ng Speaker sa tuwing may pagbobotohan sa plenaryo ay mauubusan sila ng chairman sa mga komite at mapaparalisa ang proseso ng lehislasyon.

vuukle comment

EDCEL LAGMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with