^

Police Metro

Drilon tinanggal sa posisyon... LP senators inalisan ng komite

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinanggal bilang Senate pro-tempore si Senador Franklin Drilon matapos isulong ni  Senator ­Ma­nny Pacquiao na kilalang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na ideklarang bakante ang posisyon nito.

Walang nag-object o komontra sa mosyon ni Pacquiao na sinuportahan mismo ni Drilon matapos mag “second the motion”.

“I will not interpellate Senator Pacquiao. I second the motion,” pahayag ni Drilon nang tumayo ito.

Agad ring naghalal ng bagong Senate President Pro-Tempore kung saan na-nominate si Senator Ralph Recto na sinuportahan ng 17 senador at agad rin itong nanumpa sa kanyang bagong posisyon.

Magiging miyembro na ng mayorya si Recto na dating tumatayong minority leader.

Muling nag-mosyon si Pacquiao at ipinadeklarang bakante ang chairmanship at membership ng Senate committee on health na pinamumunuan ni Senator Risa Hontiveros.

Wala ring nag-object sa mosyon ni Pacquiao na mismong si Hontiveros pa ang nag ‘second the motion’.

Isinulong ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III na si Senator JV Ejercito ang maging bagong chairman ng committee on health.

Sa muling pagtayo ni Pacquiao, nagmosyon ito at isinulong na ideklarang bakante ang chairmanship at membership ng Senate committee on agriculture na pinamununuan ni Senator Francis “Kiko” Pa­ngilinan, presidente ng LP.

Ipinalit kay Pangilinan si Senator Cynthia Villar na dating chairman ng nasabing komite noong nakaraang kongreso.

Si Pacquiao pa rin ang naghain ng mosyon para matanggalan ng komite si Senator Bam Aquino na kasapi rin ng LP at chairman ng Senate committee on education arts and culture.

Itinalaga bilang bagong chairman ng komite si Senator Francis “Chiz” Escudero.

Kaya ang mga LP senators ay naghayag na nais nilang i-associate ang kanilang mga sarili sa minorya ng Senado.

Bago magsimula ang sesyon, nagkaroon ng caucus ang mayorya ng mga senador, pero ayon kay Pangilinan na dating miyembro ng mayorya na hindi sila naimbitahan.

vuukle comment

FRANKLIN DRILON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with