^

Police Metro

Rody kay Leila... magdasal ka ng taimtim!

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Para lumabas ang katotohanan kung mayroon man na ‘panibagong katotohanan’ ay hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Leila de Lima na manala­ngin ng taimtim.

“She can always pray that the truth will come out eventually, if there is another truth,” wika pa ni Pangulong Duterte kahapon sa media interview sa Palasyo.

Tiniyak pa ni Pangulong Duterte na walang dapat ipag-alala si De Lima sa kanyang seguridad habang nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Naniniwala rin si Pa­ngulong Duterte na mas interesado ang taumbayan na makitang nakakulong si De Lima sa kasong droga sa  halip na ito ay mamamatay.

Magugunita na si De Lima ay inaresto noong Biyernes sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Muntinlupa Regional Trial Court dahil sa kasong may kaugnayan sa pagiging protektor ng illegal drug operations sa bansa.

Kinuwestiyon ng kampo ng Senador ang pag-aresto dahil sa nagsampa pa sila ng motion to quash dahil sa kawalang hurisdiksyon ng RTC sa kaso na dapat ay isinampa sa Ombudsman.

vuukle comment

SEN. LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with