^

Police Metro

Lalaki nilikida sa SUV

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa loob ng isang nakaparadang sports utility vehicle natagpuang patay ang isang 46-anyos na lalaki kamakalawa sa Valenzuela City.

Ang biktima na  kinilala sa pamamagitan ng kanyang driver’s license card ay si Guiller Fernando Brinas, 46, ng No. 37 Abangan Sur, Marilao, Bulacan.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, dakong alas-11:52 ng tanghali nang makarinig ng magkasunod na putok ng baril ang security guard na si Rodolfo Cipriano sa harapan ng binabantayang garahe ng Pamana Bus Company sa may MH Del Pilar, Brgy. Malanday, ng naturang lungsod.

 Kanyang natukoy na nagmula ang mga putok sa nakaparadang itim na Mitsubishi Adventure (XNM 462) kaya’t tumawag ito sa Police Community Precint 6 na rumesponde sa lugar at nadiskubre ang bangkay ni Brinas na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at braso.

Inaalam ng pulisya kung may CCTV sa lugar upang makilala ang suspek.

vuukle comment

SPORTS UTILITY VEHICLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with