^

PSN Palaro

Pinas muling babalik sa world cycling map

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Magbabalik ang Pilipinas sa world cycling map simula bukas sa pagpad­yak ng eighth edition n­g Le Tour de Filipinas mula sa Legaspi City sa Albay patungo sa Sorsogon.

Ang Le Tour de Filipinas ang tanging International Cycling Union (UCI) road race sa bansa at ang kick off race ng Asia Tour season.

Pinahalagahan ni Tagaytay City Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, ang presidente ng PhilCycling, ang pag-organisa ng Ube Media Inc. at inihahandog ng Air21.

Huling namahala ang bansa ng UCI race noong 1996 kung saan tinawag ang local multi-stage road race na Marlboro Tour.

Si Victor Espiritu ang naghari sa foreign team-laced race bilang amateur kasunod ang pagkakampeon ni Hongkong star Wong Kam Po sa sumunod na taon.

Nang idaos ang Centennial Tour, ipinagdiwang ang ika-100 taon ng Inde­pendence Day noong 1998, ay nangibabaw si Warren Davadilla na siyang pinakahuling naidaos na Marlboro Tour.

Kumpleto na ang mga koponang lalahok sa nasa­bing karera na suportado ng Petron at UPS bilang principal sponsors at Philippine Airlines bilang official airline partner sa Legaspi City tampok ang  75 cyclists na nagsasanay sa mga kalsada ng Albay at nagsisilbing nackdrop ang Mayon Volcano.

Bukas ay pakakakawalan ang mga siklista ng alas-8 ng umaga nina Ube Media President Donna May Lina, Legaspi City Mayor Noel Rosal, Albay Governor Al Francis Bichara at PhilCycling Chairman Bert Lina para sa 164.49-km Legaspi City to Sorsogon Stage One.

vuukle comment

WORLD CYCLING MAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with