^

Punto Mo

Canadian na 5 taon nang nawawala, natagpuan sa kagubatan ng

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaking taga-Canada na limang taon nang nawawala at pinangangambahang patay na ng kanyang mga pamilya ang biglang natagpuan sa gitna ng kagubatan ng Amazon sa Brazil.

Hindi na umaasa pa ang pamilya ni Anton Pilipa na makikita pa nila siya muli matapos siyang maglaho sa kanilang tahanan sa Toronto noong 2012.

May sakit kasi sa pag-iisip si Anton kaya tinanggap na nilang malabo nang mahahanap pa nila ito muli matapos ang napakatagal na panahon.

Kaya naman nagulat sila nang makatanggap ng tawag mula sa isang pulis sa Brazil na nagsasabing natagpuan nila ang 39-anyos nang si Anton.

Naglakbay pala si Anton ng higit 10,000 kilometro mula Canada papuntang South America sa pamamagitan ng pagla-lakad o pakikisakay sa mga dumadaang sasakyan.

Sa loob ng limang taon niyang paglalakbay ay nabuhay siya sa pamamagitan lamang ng panlilimos at pamumulot ng makakain.

Natagpuan lang siya muli matapos siyang makasalubong ni Helenice Vigdal, isang pulis sa Brazil na nagkataong may lahing Canadian din.

Noong una ay tumakas pa si Anton sa mga pulis kaya naman hindi na siya pinakawalan nang siya ay muling matunton.

Nagawang mahanap ni Vigdal ang mga kamag-anak ni Anton sa pamamagitan ng social media at nito lang Lunes ay sinundo na siya ng kanyang kapatid at ibinalik ng Canada.

Hindi na maganda ang kalusugan ni Anton matapos ang limang taon na pala­buy-laboy kaya naman nagpapasalamat siya na natagpuan muli siya ng kanyang pamilya.

vuukle comment

AMAZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with