^

Pang Movies

Dingdong at Marian, bawal magsabay ng kayod!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Dingdong at Marian,  bawal magsabay ng kayod!
Marian Ri­vera-Dantes

Nag-post naman si Kapuso Primetime Queen Marian Ri­vera-Dantes, na nagbahagi siya ng good vibes sa fans tungkol sa mga basher.

Hindi naman lihim na may mga basher pa rin si Ma­rian hanggang sa ngayon, pero mas pinipili na lamang niyang manahimik tuwing may ibi­nabatong masasakit na pahayag sa kanya at sa asawang si Dingdong Dantes, kaysa makihalo sa bangayan.

“Doing good to others is not a duty. It is a joy, for it increases our own health and happiness. Let’s spread love ang positivity.”

Naka-tag sa post ni Marian ang lahat ng fans club nila ni Dingdong here and abroad.

Samantala, by February, matutuwa na ang fans ni Marian, dahil ayon sa kanyang manager na si Rams David, magsisimula nang mag-taping ang actress ng bago niyang teleserye sa GMA-7, since si Dingdong naman ang mababakante na sa taping dahil matatapos na ang kanyang Alyas Robin Hood.

Usapan na kasi ng mag-asawa na hindi sila magsasabay magtrabaho para hindi nila mapabayaan ang unica hija nilang si Zia.

Sikat Ka... dinagsa sa California kahit baha

Nag-post agad si Popoy Caritativo, manager nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa kanyang Instagram account kung gaano ka-successful ang Sikat Ka Kapuso concert sa Terrace Theater sa Long Beach, California na ginanap kahapon (Los Angeles time, January 22) dahil may mga nang-intriga raw na walang tao sa concert dahil may bagyo at flash flood. “Hindi nagpapigil sa matinding ulan at baha ang mga tao na sumugod sa Sikat Ka Kapuso concert dito sa Long Beach, California.  Maraming, maraming salamat mga Kapuso.”

Base rin sa mga post ng fans, kitang nag-enjoy ang audience sa show na kinabibilangan din nina Jennylyn Mercado, Lovi Poe, Betong Sumaya, at Alden Richards.

Pinalakpakan daw nang husto ang dance showdown nina Alden at Betong.

Bro. Bo ngayon lang  naging Muslim

First time ni dramatic actor Christopher de Leon na gumanap na isang Muslim sa action-drama movie na Across The Crescent Moon na isinulat at dinirek ni Ms. Baby Nebrida.

Ayon kay Bro. Bo (tawag din kay Christopher), wala namang kinalaman ang kanyang pagiging Catholic para hindi siya tumanggap ng ganitong role, pero ngayon lamang may nag-offer ng ganitong role sa kanya.

Nasa New Zealand nga raw siya nang tawagan ni Direk Baby, at sinabi pa niyang uuwi na siya at huwag ibigay sa iba ang role. Isang role raw iyon na hindi tatanggihan dahil ipakikita sa movie kung paano pinagkaisa ang mga Muslim at mga Kris­tyano.

Sila ni Matteo Guidicelli na gumaganap na anak niya at wife naman niya ang asawa niyang si Sandy Andolong ay mga Muslim. Kasama rin nila ni Sandy ang anak nilang si Mariel sa movie.

Gumaganap si Bro. Bo bilang isang peace-loving Muslim.

Bukas na, January 25, ang opening day ng Across The Crescent Moon in cinemas nationwide, bilang tribute sa mga SAF members sa Mamasapano massacre na naganap noong January 25, 2015.

 

vuukle comment

DINGDONG AT MARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with