^

Punto Mo

Babaing manganganak, binuhat nang mahigit 9 na kilometro ng 6 na pulis sa India

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MARAMI ang humanga sa dedikasyon sa serbisyo ng anim na pulis sa India matapos nilang buhatin nang mahigit siyam na kilometro pababa ng bundok ang isang babaing manga-nganak upang madala ito sa ospital.

Enero 9 nang maramdaman ng 23-anyos na si Kamini na siya ay manga-nganak na.

Nagkataon namang ma-la­kas ang pag-ulan ng snow ng araw na iyon kaya sarado ang lahat ng daan pababa ng bundok na kanilang tinitirhan sa liblib na bayan ng Bhont.

Ito ang dahilan kung bakit walang makuhang ambulansiya ang pamilya ni Kamini upang maihatid siya pababa ng bundok at papunta sa pinakamalapit na ospital.

Nawawalan na ng pag-asa ang pamilya ni Kamini nang mag-volunteer ang anim na pulis sa kanilang bayan na buhatin siya pababa ng bundok.

Gumawa sila ng sarili nilang stretcher upang doon ihiga si Kamini na binalot nila ng makapal na kumot bilang proteksiyon sa matinding lamig.

Sa kabila ng kanilang pagbuhat kay Kamini at sa layo ng kanilang nilakad ay hindi ininda ng anim na pulis ang nagyeyelong temperatura at ang pag-ulan ng snow.

Inabot ng apat na oras ang kanilang paglalakbay at salamat sa pulis ay nagawa ni Kamini na maipanganak nang maayos sa isang ospital ang kanyang malusog na sanggol.

Kumalat ang kuwento ni Kamini sa buong India na pinuri ang kabayanihan ng anim na pulis.

vuukle comment

INDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with