^

PSN Palaro

Tiket sa Final Four puntirya ng Lady Chiefs

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Target ng Arellano University na masungkit ang tiket sa Final Four sa pa­kiki­pagtuos sa Lyceum of the Philippines University nga­yong umaga sa NCAA Season 92 women’s volley­ball tournament sa The Are­na sa San Juan City.

Nakatakda ang engkuwentro ng Lady Chiefs at Lady Pirates sa alas-11:30 ng umaga na susundan ng duwelo ng Jose Rizal University at Colegio de San Juan de Letran sa ala-1 ng hapon.

Galing ang Lady Chiefs sa impresibong panalo la­ban sa nagdedepensang College of St. Benilde Lady Blazers, 25-21, 25-21, 25-21, na siyang nagdala sa ka­nila sa ikaanim na panalo sa pitong laro.

At kung mananaig ang Arellano sa Lyceum ay awtomatiko nitong masisiguro ang silya sa semis upang samahan ang San Sebastian College na nauna nang nakasikwat ng tiket bitbit ang malinis na 7-0 baraha.

“Kailangan namin mag­laro as a team para pa­nalo. Hindi madaling ka­laban ang Lyceum kaya kaila­ngan naming magsikap para makuha namin ito,” wika ni Arellano head coach Obet Javier.

Doble pag-iingat ang ki­nakailangan ng Lady Chiefs dahil nag-iipon ang Lady Pirates ng pana­lo para mapalakas ang tsansa nitong makapasok sa Final Four.

Hawak ng Lyceum ang 5-2 baraha.

 

vuukle comment

LADY CHIEFS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with