^

PM Sports

Globalport bumangon

Russell Cadayona - Pang-masa
Globalport bumangon
Si Billy Mamaril ng Globalport laban kay Cliff Hodge ng Meralco.

MANILA, Philippines – Tinapos ng Globalport ang kanilang dalawang sunod na kamalasan, habang nahulog naman ang Meralco sa pang-apat na dikit na kabiguan.

Humugot si Terrence Romeo ng 12 sa kanyang 27 points sa fourth quarter para tulungan ang Batang Pier sa 97-89 panalo laban sa Bolts sa PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagtala rin si Romeo ng 5 rebounds at 5 assists para sa ikaapat na panalo ng Globalport sa pitong laro at makatabla ang Phoenix at Blackwater, kasalukuyan pang nilalabanan ang nagdedepensang San Miguel habang isinusulat ito.

“We needed that win. We had a bad experience last game. We were ahead, we were not able to keep our composure,” sabi ni coach Franz Pumaren.

“Now we played within our system unlike the last game.”

Nalasap naman ng Meralco ang kanilang pang-limang kabiguan sa pitong laban.

Mula sa 14-14 pagtabla ng Bolts ay nakalayo ang Batang Pier sa pamamagitan ng pagtatayo ng 16-point lead, 40-24  mula sa three-point shot ni Mike Cortez sa 7:41 minuto ng second period.

Sa third quarter ay umiskor si rookie guard Jonathan Grey ng 10 points para mailapit ang Meralco sa 65-70  kasunod ang ratsada ni rookie Ed Daquioag na nagdikit sa kanila sa Globalport sa 71-72 sa pagsasara ng nasabing yugto.

Ang agaw at slam dunk ni 2016 PBA Rookie of the Year Chris Newsome ang nagtabla sa Bolts sa 74-74 sa 9:48 minuto ng final canto bago nagtuwang sina Romeo at Nino Canaleta para muling ilayo ang Batang Pier sa 89-84 sa huling 2:22 minuto.

GLOBALPORT 97 - Romeo 27, Canaleta 13, Mamaril 12, Cortez 12, Quiñahan 11, Pringle 9, Aban 9, Mierhofer 2, Paredes 2, Banal 0, Urbiztondo 0, Pessumal 0.

Meralco 89 - Hugnatan 23, Grey 18, Newsome 16, Hodge 12, Daquioag 12, Buenafe 3, Faundo 2, Caram 2, Amer 1, Uyloan 0, Nabong 0, Ferriols 0.

Quarterscores: 26-19; 51-41; 72-71; 97-89.

vuukle comment

TERRENCE ROMEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with