^

Pang Movies

Piolo type ring magka-international career!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Piolo type ring magka-international career!
Piolo Pascual

Parang gustong sumubok ni Piolo Pascual sa international scene. Sa isang online interview, sinabi ng actor na sana ay makita rin siya ng ‘universe’ at hindi lang ng Pinoy ang audience. “I want to travel the region, just in case there’s a chance for me to showcase Filipino talents not just here but also abroad. For me our market is the universe, our market is the world. So we should not be limited by our Filipino audience,” pahayag ng actor na dalawang dekada na pala sa showbiz.

Pero more than his career plan, mas inaabangan ng lahat kung sila ba ni Shaina Magdayao ang magkakatuluyan na sinasabi ng actor na pinakamalapit na babae sa puso niya.

Pero ang isang definite, hindi sila magkasama ni Shaina nung holidays dahil sa Amerika nag-Pasko at Bagong Taon ang actress kasama ang kanyang pamilya samantalang si Piolo ay sa bagong pagawa niyang bahay dito sa Pilipinas.

Nauna nang nangarap si Sam Milby na magkaroon ng Hollywood career pero sadly, hindi siya pinalad.

Ahron idinepensa ang kasa-kasamang lalaki sa biyahe!

Ay napeke nga ba si Kakai Bautista ni Ahron Villena?

Bagama’t sinasabi ng hindi masyadong sikat na actor na kaibigan niya lang ang lalaking lagi niyang kasama sa biyahe, marami pa rin ang nagmamalisya na baka nga ito ang rason kaya hindi siya nagka-feelings sa komedyana na tulad niya ay kailangan pang i-push ang career para sumikat.

Yup, isang lalaki kasi ang lagi nitong bitbit o kasama sa pagta-travel na posted sa kani-kanilang social media accounts na kung hindi naman nila ini-upload baka hindi naman sila pag-isipan ng masama.

Pero in fairness, nag-iba na ang hitsura ni Ahron. Parang naging tisoy na ito ha.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with