Ugaling mayor ni Digong dapat ng palitan – Lacson
MANILA, Philippines – Naniniwala si Sen. Panfilo Lacson na si Pangulong Duterte ang magiging pinaka mahusay na presidente na manunungkulan sa bansa kung matututo itong iwanan ang mga dating nakagawian bilang mayor at magde-develop ng mga bagong ugali bilang isang national leader.
Bilang panimula umano ngayong 2017, maaaring gamitin ni Duterte ang Google para malaman kung papaano maging totoong “statesman”.
“He could very well be the best president we’ve ever had if he learns to discard some old habits of a mayor and develop some good traits of a national leader. For a start, he can “Google” how to become a real statesman,” wika ni Lacson.
Ayon kay Lacson, nais niyang magtagumpay si Duterte dahil katulad nito at ng lahat ng mga Filipino, mahal din niya ang bansa.
“The bottom line for me is, I want him to succeed because like him and most Filipinos, I also love my country,” ani Lacson.
Ayon pa kay Lacson, wala ng iba pang mahalagang regalo para sa susunod na henerasyon kung hindi ang isang maipagmamalaking bansa katulad ng Singapore.
“There may not be a better gift that my and the president’s generation can bequeath to the next generation than a proud Filipino nation worthy of respect from all the other countries in the world. Singapore sans dictatorial rule should serve as a good role model for him to follow,” ani Lacson.
Panahon na rin aniya para maging “multi-dimensional” ang Pangulo ngayong taon dahil nasosolusyunan na ng mga law enforcement agencies ang problema sa droga.
Ipinanukala ni Lacson na pagtuunan na lamang ng pansin ng Pangulo ang problema sa katiwalian dahil kung masusugpo ito, mas maraming magagandang bagay ang mangyayari sa bansa.
- Latest