^

Punto Mo

Kalsadang nilamon ng sinkhole sa Japan, nakumpuni sa loob lang ng 2 araw

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

BINUKSAN na muli sa mga motorista ang isang kalsada sa Fukuoka, Japan isang linggo lang matapos itong lamunin ng isang dambuhalang sinkhole.

Nawalang parang bula ang sinkhole dahil inabot lang ng dalawang araw ang mga kinauukulan sa siyudad na kumpunihin ang kalsada at ilang araw ng pagsusuri upang masiguradong ligtas na itong daanan.

Ang sinkhole, na 98 talampakan ang lawak at 49 talampakan ang lalim, ay lumitaw ng madaling araw ng Martes noong isang linggo at nagdulot ng pagkawala ng kuryente sa lugar. Wala namang napabalitang nasaktan dahil dito.

Mabilis na nakumpuni ang kalsada dahil magdamag na trinabaho ang pag-aayos nito kaya naman dalawang araw lang ay natabunan na ng semento at buhangin ang dambuhalang bangin na nasa gitna ng daan.

Hindi lang ang bilis ng pagkukumpuni ang nakakabilib dahil ipinagmamalaki rin ng mayor ng Fukuoka na si Soichiro Takashima na mas matibay na ng 30 beses ang kalsada kaysa dati kaya hindi na ito basta-basta lalamunin ng lupa.

Marami naman sa social media ang nagpahayag ng pag-kabilib sa husay at pagiging maagap ng mga kinauukulan sa Japan. Kung sa mga bansa raw kasi nila lumitaw ang sinkhole ay baka taon ang bilangin bago makumpuni ng kanilang mga pamahalaan ang nawasak na kalsada.

vuukle comment

SINKHOLE SA JAPAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with