Supplier ng droga bulagta sa buy-bust
NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang sinasabing bigtime supplier ng shabu matapos itong manlaban sa mga operatiba ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat kamakalawa ng umaga. Ayon kay P/Supt. Joefel Siason, hepe ng Isulan PNP, target ng operasyon ang suspek na si Jonalyn Magsilat kung saan inabutan din ang bigtime supplier ng droga na kinilala lamang na alyas Jaron ng Maguindanao. Sa kalagitnaan ng operasyon sinubukan pang manlaban ni Jaron kaya tinangka nitong maghagis ng granada subalit naunahan siyang ratratin ng pulisya. Maliban sa mga pakete ng droga narekober din ang mga drug paraphernalia at pera.
- Latest