^

Punto Mo

Para hindi manakawan mga toro sa Spain, ginagamit na bilang mga sekyu

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MATAPOS na makitang hindi epektibo na bantay ang mga aso ay ginagamit na ngayong sekyu ng isang junk shop sa Spain ang dalawang toro bilang panakot sa mga magnanakaw.

Pitong beses na kasing nilooban ang junk shop ni Emilio Cervero sa Valencia, Spain sa kabila ng paglalagay niya ng guard dogs sa paligid.

Apat na sa mga aso niya ang napapatay ng mga magnanakaw samantalang ang iba naman sa mga ito ay basta na lang tumatakas palabas kapag nabutas na ng mga magnanakaw ang bakuran niyang gawa lang sa alambre.

Naisipan niya dating magpatayo ng mataas na konkretong pader ngunit binawalan siya ng mga kinauukulan dahil labag daw ito sa lokal na ordinansa.

Kaya naman naisipan ni Cervero na gawing bantay ang isang pares ng mga toro na kung tawagin ay “toro bravos.”

Mababagsik ang mga toro na napili ni Cervero dahil ang uri ng mga ito ang kadalasang inilalaban sa mga bullfights sa España.

Pinakawalan ni Cervero ang mga toro sa loob ng bakuran ng kanyang junk shop kung saan malayang nakakagala ang mga ito.

Umaasa si Cervero na sa tulong ng mga toro ay wala nang mangangahas pang magnakaw sa kanyang junk shop.

vuukle comment

ARNEL MEDINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with