^

PSN Palaro

Team Pacman ‘di umaasa ng KO

Pilipino Star Ngayon
Team Pacman �di umaasa ng KO
Inaalalayan si Manny Pac­quiao ng isang mi­­yembro ng Team Pacquiao habang nag­si-sit-up, habang sa itaas na larawan makikita ang bagong mouthguard na gagamitin niya laban kay Jessie Vargas sa Nov. 5 (US time).
Abac Cordero

LOS ANGELES-- Hu­ling nagtala si Manny Pacquiao ng knockout win noong 2009 laban kay Miguel Cotto.

At matapos ito ay hindi na nakapagpabagsak ng kanyang kalaban si Pacquiao.

Ayon sa kampo ni Pacquiao, hindi nila hinahanap ang knockout victory sa pagharap kay WBO welterweight champion Jessie Vargas sa November 5 sa Las Vegas (November 6 sa Manila).

Kapwa sinabi nina strength and conditioning coach Justin Fortune at chief trainer Freddie Roach na ang knockout result ay dagdag lamang na insen­tibo para sa Filipino icon na hahamon kay Vargas sa susunod na linggo.

Sinabi ni Fortune na dahil sa husay ng mga nakakalaban ni Pacquiao ay nahihirapan siyang pabagsakin ang mga ito.

“Knockouts are tough at this level,” sabi ni Fortune sa morning jog ni Pacquiao sa Pan Pacific Park.

Hindi rin nangako si Roach na makakaiskor ng knockout win ang Filipino boxing icon.

“If it (knockout) comes, it comes. He was never a big puncher at 147,” wika ni Roach matapos pamahalan ang workout ni Pacquiao sa Wild Card Gym.

Anim na rounds ng sparring ang ginawa ni Pacquiao laban kay super lightweight contender Raymundo Beltran sa isang closed-door session kasunod ang pagpapagod sa mitts kasama si Roach.

Matapos ito ay namanhid ang mga kamay ni Roach.

“He’s been punching hard in the mitts. That’s for sure,” wika ng longtime cornerman ni Pacquiao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with