^

PSN Palaro

Lady Warriors diretso sa semifinals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Warriors diretso sa semifinals
Umere si Jovelyn Prado ng Laoag para maiwa­san ang depensa nina Michele Gumabao at Andrea Kacsits ng Pocari.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines - Nasawata ng Open Conference titlist na Pocari Sweat ang matikas na rat­sa­da ng Laoag sa huling sandali ng laro patungo sa 25-13, 25-20, 26-24 pa­nalo upang masungkit ang ikalawang tiket sa semifinals kagabi sa Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Humataw nang husto si American import Breanna Lee Mackie na kumolekta ng 21 puntos mula sa 16 attacks, 3 blocks at 2 aces para dalhin ang Lady Warriors sa ikaapat na sunod na panalo sa limang laro.

Nagdagdag naman ng pitong puntos si American middle hitter Andrea Kacsits, habang may anim si Elaine Kasilag at tig-lima sina Open Conference Finals MVP My­la Pablo at middle bloc­ker Desiree Dadang.

Sinamahan ng Pocari sa Final Four ang University of Santo Tomas na may hawak na 5-1 marka.

Nahulog sa 2-4 baraha ang Power Smashers matapos malimitahan sa 10 puntos si two-time NCAA MVP Grethcel Soltones at siyam na puntos si National University standout Jorelle Singh.

May tsansa sana ang Laoag na paabutin ang laro sa fourth set nang hawakan ang 24-19 kalamangan sa third set.

Sa ikalawang laro, tinalo ng University of the Philippines ang Air Force, 25-16, 25-20, 25-10, para tumapos na may 3-4 baraha.

May 2-4 marka ang Air Force.  

vuukle comment

LADY WARRIORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with