^

PSN Showbiz

Matapos ilaglag ni Benjamin? Glaiza mas abala sa charity works

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Matapos ilaglag ni Benjamin? Glaiza mas abala sa charity works
Glaiza de Castro

MANILA, Philippines - Pakiramdam ni Glaiza de Castro, commitment ang pagsi-share ng natatanggap niyang blessings.

Kaya ngayong araw, magkakaroon siya ng charity event para sa Pediatric Cancer Ward ng Philippine General Hospital (PGH).

Magsisimula ang charity showcase at fan meet ng 6:00 p.m. sa UP Cine Adarna in Magsaysay Ave. Diliman, Quezon City.

 “Nakakatuwa na maraming gustong sumuporta sa mga ganitong pagtulong kaya naman nakakagana ring ulit-ulitin. I am overwhelmed with all the blessings that continue to come my way, and I want to share it with the people who need it most,” says the GMA Artist Center star.

Pramis ni Glaiza hindi lang basta gig ang mangyayari ngayong gabi. Marami raw silang inihandang gimik at pakulo sa fans na makikiisa.

“It’s not just a gig. Hindi lang puro kantahan at rakrakan. Mayroon ding games, ibang pakulo. At magla-launch din ako ng bagong music video since medyo matagal na since the last one. May mga bago akong kakantahin from Synthesis (album), at may special surprise guests din.

“It’s an opportunity for the fans and the people who watch Pirena na magkaroon ng ibang perception of me. Hindi naman araw-araw na nakikita nila akong ganito. Gabi-gabi, ang nakikita nila, ako na nagtataray, nagsusungit,” pahayag niya nang makausap namin sa pocket presscon last Thursday afternoon.

For tickets and inquiries, visit www.facebook.com/keyelementscreativemedia

Nauna nang isinagawa ang 10K marathon na organized ni Pirena (her character in Encantadia) for the benefit of the SPED students sa Valenzuela City.

Nakasama niya sa nasabing marathon ang ilang katrabaho sa Encantadia at mga kaibigan and fans na all the way ang support sa kanyang advocacies.

Samantala, hindi naman lihim kay Glai­za ang re­lasyon nina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose. Aniya ma­­saya siya sa kapwa Kapuso artists. Katuwiran ng actress/singer wala siyang karapatan na mag-emote dahil never naman naging sila ng actor though persistent ang rumor noon na bigla nga raw bumitiw si Benjamin.

Star Magic Ball, may live red carpet coverage

May pagkakataon na ang fans na makita ng live ang pagrampa sa red carpet ng kanilang paboritong Kapamilya stars para sa Star Magic Ball, isa sa mga engrandeng pagtitipon ng mga bigating pangalan ng ABS-CBN sa pag-ere ng red carpet coverage nito ngayong Sabado (Oct. 22) sa SKY at ABS-CBN TVplus simula 6:30PM.

Front row access ang handog para sa fans para masilayan nila ang mga bituin ng Kapamilya network tulad nina Piolo Pascual, Bea Alonzo, KathNiel, LizQuen at marami pang iba para sa ika-10 Star Ma­gic Ball.

Sa SKY Freeview, mapapanood ng SKYcable at Destiny Cable subscribers ang free access sa live red carpet co­verage sa HD channel 243 at SD channel 211. Sa mga probinsya, maaaring mapanood ito ng SKYcable subscribers sa HD channel 702 at SD channel 64, habang mapapanood naman ang live broadcast ng SKYdirect subscribers sa SD channel 45.

Sikat na korean aktor binulabog ng fans ang bakasyon sa Cebu

Nasa Cebu ang sikat na Korean actor na si Park Bo Gum na bida sa K period drama na Love in the Moonlight.

Sa kanyang Instagram account nalaman ng Pinoy fans na pupunta siya ng Cebu para mamahinga.

Pero dahil nadiskubre ng K drama fans, hindi na siya tinigilan hanggang makarating ng Mactan Cebu International Airport.

Nangunguna ang nasabing drama series ni Park Bo Gum sa kasalukuyan sa kanilang bansa.

vuukle comment

GLAIZA DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with