^

Probinsiya

Sa magkakahiwalay na lugar 4 bangkay nagsilutang sa ilog

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines – Matapos manalasa ng bagyong Lawin, apat na bangkay kabilang ang isang fetus ang natagpuan at na-retrieve ng mga awtoridad sa ilog sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito, ayon sa ulat ng pulisya nitong Biyernes.

Nabatid sa tanggapan ni P/Senior Supt. Manuel Cornel, Nueva Ecija Police provincial director, na ang mga natagpuang katawan ay palutang-lutang sa malawak na Pampanga River sa lungsod ng Cabanatuan, at mga bayan ng Pantabangan, San Isidro at Cabiao sa lalawigang ito.

Sa ulat ng pulisya, isang fetus, may edad na 7-8 buwan ang natagpuan bandang alas-11 ng umaga nitong Huwebes sa isang creek sa Purok 7 ng Brgy. Bagong Sikat sa Cabanatuan City at dinala na sa RBN Funeral Homes.

Nakilala naman ang bangkay ng nalunod na babae sa Pampanga River na sakop ng Barangay Alua, sa bayan ng San Isidro na si Cindy Gamboa, 26, dalaga, ng Brgy. Pambuan, Gapan City. Sinasabing may sakit sa pag-iisip si Gamboa at iniulat na umalis ito ng bahay dakong alas-10 ng umaga noong Oct. 18 at hindi na umano bumalik hanggang sa makita ang kanyang katawan noong Huwebes ng umaga.

Ayon naman kay Brgy. Captain Manolito Cariaga ng Brgy. Bagong Sikat, Cabiao, NE, natagpuan nila sa kanilang pag-iikot ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na nakalutang sa Pampanga River na sakop ng Purok 1, ng nasabing lugar. Nasa estado na umano ito ng decomposition at inilarawan ito na may taas na 5-footer, nakasuot ng black jersey na may marking na DEFENDER sa harap at RIGOR 19 sa likuran.

Ang pang-4 naman na natagpuang bangkay ay hindi naman matukoy kung lalaki o babae dahil sa naagnas na rin ito. Ayon sa pulisya, natagpuan ito na halos wala na ang ibang bahagi ng katawan nito na ipinapalagay na ilang araw na umanong nakababad at palutang-lutang sa Pantabangan Dam, na sakop ng Brgy. Liberty sa bayan ng Pantabangan, bandang alas-7:30 ng gabi noong Huwebes.

vuukle comment

BAGYONG LAWIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with