^

Probinsiya

Trader nilikida ng mga armado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagbabaril at napatay ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin ang isang negosyante  sa Brgy. Imelda, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng umaga.

Dead-on-arrival sa pagamutan  ang biktimang si German Gonzales Sr., 60, sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Sinabi ni Supt. Rogelio Alabata, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9,  naganap ang insidente sa Brgy. Sta. Barbara, Imelda ng lalawigang ito bandang alas -9:40 ng umaga.

Ayon sa ulat, namamahinga sa isang kubo malapit sa pampang ng Sibugay River  malapit sa quarry site ang negosyante ng maganap ang insidente.

Bigla na lamang umanong sumulpot ang  mga armadong kalalakihan na nagpanggap pang mga kustomer na bibili ng hollow blocks sa negosyante at ng matiyempuhan ang biktima ay pinagbabaril ito.

Matapos ang pamamaril ay mabilis nang nagsitakas ang mga suspect.

Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon ang motibo ng krimen.

vuukle comment

PINAGBABARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with