Tsino todas sa killer SUV
CAVITE, Philippines - Patay ang 25-anyos na Tsino matapos itong sagasaan ng Toyota Fortuner habang nakatayo sa parking lot ng convenient store sa Barangay Silang Crossing West sa Tagaytay City, Cavite kamakalawa. Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Zhiping Li, # 601 Hoping Road Luanhua Country, Zhangkiiakua, China. Nakatakdang kasuhan ang naarestong suspek na si Juan Paolo Joaquin Reyes, 26, call center agent, ng Scorpio Street, Cruzville Subd. sa Novaliches, Quezon City. Nadamay din ang sasakyan (BER 542) ni Jason Ong ng Bangladesh St., Luksuhin Ilaya, bayan ng Alfonso, Cavite at sasakyan (CZ-7878), ni Paul Jhun De Ocampo, 28, ng Kaybagal South sa Tagaytay City. Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, nakatayo ang biktima sa tapat ng convenient store nang masalpok ng Toyota Fortuner na may conduction sticker VH2955.
- Latest