Naulilang misis araw-araw nararamdaman ang pagmamahal ng mister
Grabe na ‘to! Mula nang mamatay ang radio entertainer at komedyanteng si Jack Benny (Benjamin Kubelsky sa totoong buhay) ay wala itong pinalampas na araw para iparamdam kung gaano niya kamahal ang naulilang misis.
Nagsama sila ng kanyang misis na si Sayde Marks ng 48 taon. At malayo sa isang perpektong relasyon ang kanilang pagsasama. Ayon sa mga balita, ang misis niya raw ay matalim ang dila, demanding, at vain samantalang si Jack ay sinasabing babaero.
Pero kahit marami silang pagkukulang sa isa’t isa at laging hindi magkasundo, mahal na mahal ni Jack ang kanyang misis. Sabi ni Sayde sa McCall’s magazine na may nadiskubre siya matapos basahin ang last will and testament nito.
“Every day since Jack has gone the florist has delivered one long-stemmed red rose to my home. I learned that Jack actually had included a provision for the flowers in his will. One red rose to be delivered to me every day for the rest of my life.”
- Latest