^

Punto Mo

‘Mental conditioning’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

TALAGANG abalang-abala si Sen. Leila de Lima sa kanyang campus tours.

 Magaling ang kanyang estratehiya. Iba’t ibang prestihiyosong unibersidad, iba’t ibang topic ang kanyang tinatalakay.

 Dahil sira na siya sa social media at marami ang nangba-bash sa kanya, dinaan ang kanyang speeches sa mga paaralan. Take note, puro Catholic school ang kanyang pinupuntahan.     

 Kinukuha ang simpatya ng mga millennial at mga tao sa akademya. Inaakala niya siguro na makakakuha siya ng suporta ng mga pari, madre at estudyante tulad nang ginawa ni dating Pres. Cory Aquino noon.

 Kaya ang senadora, inuna ang St. Scholastica kung saan ang tinalakay ang tungkol umano sa ipinaglalaban niyang katotohanan.

 Sinunod ang Adamson University. Dito niya tinira ang presidente na umaastang parang Diyos daw.

 At nitong nakaraang araw, Miriam College naman. Nangangalakal ng takot. Mas matindi pa raw sa martial law ang revolutionary government ni Pres. Rody Duterte.  

 Dapat daw labanan ang mga pang-aabuso ng karapatang pantao. Masyado na rin daw siyang inaapi bilang babae.

 Pag-aamin ng senadora, may mga kahinaan daw siya pero hindi daw siya isang ‘Magdalena.’ Hindi rin daw siya kailanman ‘trumaydor’ sa bayan.

 Mabuti naman at na-realize ni De Lima ang mga pagkakamali niya. Tanong, nagsisisi na ba siya at sinisiguradong hindi na ito uulitin pa?  

Habang abala si De Lima nalalagay sa matinding krisis at gitna ng kontrobersiya, kapansin-pansin naman ang pananahimik ng mga kapartido niyang LP. Siguro pati sila nanawa at narindi na rin sa bibig ni De Lima na samahan at suportahan siya.

 Walang nakaaalam kung ano pang mga Catholic school ang susunod na lilibutin ng senadora sa mga susunod na araw.

 Ang nakakapagtaka lang, bakit ang mismong alma mater niya na San Beda College kung saan dun din graduate si Duterte, hindi niya inuna?

 Kayo na ang bahalang bumalanse!  

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel. 

vuukle comment

MENTAL CONDITIONING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with