^

Punto Mo

Carabao Man (32)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAKIPAGSIKSIKAN si Maricel para makalapit kay Johnpaul. Tiyak na makikita siya ni Johnpaul. Pero dahil sa sobrang dami ng mga fans ni Johnpaul, hindi makausad si Maricel para makalapit. May nagtutulakan na para lamang makalapit kay Johnpaul.

Pero kahit ganun kasiksikan ang mga fans, nagpilit pa rin si Maricel na makalapit kay Johnpaul. Kailangang makita siya ni Johnpaul.

Hanggang sa makalapit siya na ang agwat marahil ay mga limang metro marahil. Kitang-kita niya si Johnpaul. Nasabik lalo siya sa kababata.

Hanggang sa hindi na napigilan ni Maricel ang sarili at tinawag na si Johnpaul. Bakasakaling makita siya.

“Johnpaul! Johnpaul!’’

Nagtinginan ang mga tao sa paligid ni Maricel. Nagtaka marahil kung bakit Johnpaul ang sinisigaw niya gayung JP! JP! ang sinisigaw nang karamihan.

Pero balewala iyon kay Maricel at patuloy na tinawag si Johnpaul.

“Johnpauuulll! John-     pauuuullll! Johnppppauuullll!’’

Halos lumabas na ang litid niya sa pagsigaw. Pero hindi siya nilingon man lang ni Johnpaul o JP. Iisa ang direksiyon ng tingin ni Johnpaul.

Lalo pang kumapal ang tao nang makasama ni Johnpaul ang kanyang ka-love team na si Maryanne. Magkahawak-kamay na umakyat sila sa entablado at humiling  sa fans na panoorin ang kanilang pelikula ni Maryanne.

Nagsigawan ang fans. May sumisigaw ng JP! JP!

Nakatingin na lang si Ma-ricel kay Johnpaul habang kahawak-kamay ang ka-loveteam na si Maryanne,

Hanggang maya-maya ay nagpaalam na sina Johnpaul at Maryanne. Nagmamadali sa pag-alis. Nagkagulo ang fans na gusto pang humabol sa dalawang artista.

Si Maricel ay nanatiling nakatayo sa sulok. Hindi na siya nakihalo sa fans. Hinayang na hinayang siya dahil hindi siya nakita ni Johnpaul.

Hanggang sa ipasya na niyang umuwi. (Itutuloy)

 


 

 

ISANG batang lalaki ang laman ngayon ng balita sa Japan matapos makaligtas ng ilang araw sa gubat ng mag-isa matapos abandonahin ng kanyang mga magulang bilang parusa.

Natagpuan ang pitong-taong gulang na si Yamato Tanooka ng isang nagpa-patrulyang sundalo sa isang abandonadong bahay na nasa gitna ng gubat. Bago nito ay pitong araw nang nawawala ang bata matapos siyang iwan ng kanyang mga magulang sa tabi ng kalsada bilang parusa sa kanyang pagiging makulit.

Marami ang namangha na nakaligtas ang bata ng isang linggo sa isang gubat na bukod sa masukal ay pinamumugaran pa ng mababangis na oso.

Nasa mabuting kalagayan si Yamato nang siya ay matagpuan. Ito ay sa kabila ng kawalan ng mapagkukunan niya ng pagkain. Ayon sa mga reporters na nagpunta sa lugar kung saan natagpuan ang bata ay maaring nakatagal si Yamato ng isang linggo dahil nakakakuha siya ng maiinom na tubig mula sa gripo na nasa abandonadong bahay.

Lubos naman ang paghingi ng tawad ng ama ni Yamato sa kanyang anak at sa lahat ng tumulong sa paghahanap sa kanyang anak. Inabandona daw nilang mag-asawa si Yamato dahil inakala nilang sa pamamagitan nito ay mapapatino nila ang kanilang anak.

Wala namang balita kung may kakaharaping reklamo ang mga magulang ni Yamato dahil sa pag-abandona sa kanya.

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with