^

PM Sports

Negative si Pacquiao sa Rio Olympics

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa bigat ng trabahong nakaatang sa kanya bilang Senador, hindi na kakayanin ni Manny Pacquiao na magsingit ng training session para sa paghahanda sa 2016 Olympic Games.

Malungkot man ay tinanggap kahapon ng  Association of Boxing Alliances of the Philippines ang desisyon ng dating Filipino world eight-division champion na huwag lumahok sa quadrennial event na nakatakda sa Agosto sa Rio de Janeiro, Brazil.

“ABAP respects Sen. Manny’s decision and wishes him well in his work in the Senate,” sabi ni ABAP executive Director Ed Picson sa isang text message.

Nagretiro ang 37-anyos na si Pacquiao (58-6-2, 38 knockouts) noong Abril 9 matapos talunin si Timothy Bradley, Jr. sa kanilang ikatlong paghaharap.

Nang dumalo si Pacquiao sa World Championship sa Doha, Qatar noong Nobyembre ay inimbitahan siya ni AIBA president Dr. Ching-Kuo Wu na lumaban sa Rio Olympics.

Bukod sa wildcard entry na gustong ibigay ng AIBA kay Pacquiao, ang magiging panalo din ni ‘Pacman’ sa pinakahuling Olympic qualifier sa Baku, Azerbaijan ang maaaring magbigay sa kanya ng tiket para sa Rio Olympics.

Ipinanukala ng AIBA, ang international boxing federation, ang pagsali ng mga professional boxers sa Rio Olympics na mariing kinondena nina promo­ter Bob Arum at trainer Freddie Roach.

Dahil sa pagtanggi ni Pacquiao, sasandal na lamang ang Philippine bo­xing team kina light flyweight Rogen Ladon at lightweight Charly Suarez.

Hindi pa nananalo ang bansa ng gold medal sa ilang beses na pagsali sa Olympic Games kung saan ang pinakamalapit ay ang silver medal ni light flyweight Mansueto ‘Onyok’ Velasco.

Maliban kina Ladon at Suarez, ang iba pang nakakuha ng tiket para sa Rio Olympics ay sina  taekwodo jin Kirstie Elaine Alora, table tennis entry Ian Lariba, Fil-Am trackstar Eric Cray, long jump specialist Ma­restella Torres at lady weightlifter Hidilyn Diaz.

May ilan pang Filipino athletes na naghahangad na makakuha ng Olympic slot sa boxing, golf, swimming, weightlifting at basketball. (RCadayona)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with