^

PSN Showbiz

Hunk actor na busy sa mga babae, boy toy ng kilalang pulitiko!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nagtatanungan ang mga becki sa isang umpukan kung hanggang ngayon daw ba ay “canteener” (read: boy toy na pabalik-balik) pa rin ng isang kilalang pulitiko ang isang hunk actor.

Nakakatawa ang kuwento ng isang miron sa umpukan, ipinakilala lang pala siya sa pulitiko ng isang kaibigan, pero nagulantang na lang ang nagpakilala dahil sumosolo na si hunk actor sa pagpunta sa probinsiya ng politician!

Siyempre, gay politician ang kasamang bumibida ng hunk actor sa istoryang ito, kilalang-kilala ang pulitiko sa pagiging generous sa mga kalalakihang dumadayo sa kanyang lugar.

Kuwento ng isang beki, “Nalokah nga ang nagpakilala kay ____(pangalan ng hunk actor) sa pulitiko, simpleng introduction lang ‘yun, pero gulat na gulat ‘yung nagpakilala dahil nagpapabalik-balik na pala sa probinsiya ang lalaking ‘yun!

“Natural, pre-arranged na ang pagdating niya, meron na siyang hotel, wala na siyang poproblemahin, sagot ng politician ang lahat-lahat habang nandu’n siya at nagbabakasyon kuno!

“Napakasarap na bakasyon dahil pagbalik niya sa Manila, e, muchong-mucho pa siya, sobrang generous nga kasi ang lola n’yo!” tawa nang tawang kuwento ng beki.

Ang pahulaan nila ngayon sa umpukan ay kung palagi pa rin daw bang bumibiyahe ang hunk actor sa probinsiya ng pulitiko. Busy na kasi siya at meron nang babaeng inili-link sa kanya.

Halos pasigaw na kuda ng isang beki, “Tantanan ako ng mga katsipang dramang ganyan, ha? Anong girlfriend na niya ang girl, puwede ba, lokohin nila ang mga sarili nila!

“Alam naman ng hunk actor na ‘yun kung ano ang gusto niya, ‘no! Puwede ba, huwag niyang paniwalain ang mga utaw na sila na, dahil baka magputukan ang mga bulkan sa Pilipinas at lamunin siya ng lupa!

“Tama na ang mga ganu’ng kadramahan, tantanan na niya tayo, dahil sa pagkendeng-kendeng pa lang niya at pagiging vain, e, alam na!” humahalakhak pang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

 Pia taob sa pagho-host kay KC

Nabawasan nang ilang puntos ang paghanga ng mga kababayan natin kay Pia Wurtzbach. Magaling siyang sumagot sa mga interbyu, pati sa question and answer ng Miss Universe kung saan siya pinutungan ng korona ay lumutang ang kanyang talino, pero sa nakaraang pagho-host niya sa Bb. Pilipinas ay semplang si Pia sa panukat ng mga tumutok.

Hindi raw pala siya magaling na host. Binabasa niya ang kanyang spiels, wala na tuloy siyang komunikasyon sa audience, at ganu’ng nagbabasa na nga siya ay sangkatutak pa ang kanyang pagba-buckle.

Dapat daw ay pinaghandaan ni Pia Wurtzbach ang tinanggap niyang hosting, du’n kasi siya susukatin at huhusgahan, at malaking pagkabigo nga ang naramdaman ng ating mga kababayan sa kanyang performance.

Ang dami-daming nangba-bash kay Pia ngayon, hanggang sa pagrampa lang daw naman pala ang kanyang alam, bigla tuloy lumutang ang pangalan ni KC Concepcion na may magandang kartada sa pagho-host.

Sana raw ay si KC na lang uli ang kinuha ng Bb. Pilipinas Charities, sana raw ay pinagputong na lang ng mga nanalong contestants si Pia, para hindi sila naghahalinhinan ni Xian Lim sa pagba-buckle.

Pero kailangang maintindihan at malaman din ng ating mga kababayan na may mga host na mas lumulutang ang talento kapag hindi nagbabasa ng spiels. Maraming ganu’n.

Mas mahusay sila kung mine-memorize na lang ang kanilang mga linya at hindi nakakulong sa pagbabasa ng script. Ang kailangan na lang nilang tandaan ay ang mahahalagang detalye tulad ng pangalan, lugar at date.

Baka naman mas magaling mag-host si Pia Wurtzbach nang hindi nagbabasa ng kanyang mga sasabihin. Baka naman nanibago siya. Baka naman hindi naibigay agad sa kanya ang kopya ng script para marepaso niya.

Baka naman.

vuukle comment

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with